Chapter 59 The Post Party Umupo na lang muna ako at uminom ng juice. Lumapit naman si Calix sa akin. "Are you okay?" he asked. "Oo naman." sagot ko sa kanya. "Nakipagpalit ako... Kaya 'yung partner ni Bobbie kanina, iyon na 'yung partner ni Zoey." sabi ni Calix. Tumango lamang ako sakanya. News paper dance ang sunod na laro. "Sali tayo?" anyaya ni Calix. Umiling lang ako sakanya. "Pahinga lang muna ako, Cal." sabi ko. Hindi naman ako napagod doon sa Apple Eating na 'yun. Nawalan lang talaga ako ng gana... Hindi ko alam kung martyr ba ang tawag dito o ano, pero pinanuod ko pa 'yung dalawa. And it cuts me deep through every fold of that freaking news paper. It cuts me real deep. Bawat pag titig ni Apxfel kay Bobbie... Bawat pag hawak ni Bobbie kay Apxfel. Hindi ko mapaliwanag

