Chapter 20

2656 Words
FRANCELI Kahit kailan siguro ay hindi ako masasanay sa mga maya't-mayang revelation na binubunyag sa'kin ni Luthan. Tinalo pa ng shock ko sa sinabi niya 'yung kilig na naramdaman ko nang batiin ako ni Reuben mylabs ng Happy Birthday. Nakakaasar tuloy dahil panira ng moment. Kilig na kilig na ako kanina to the point na hindi na naman ako makakilos at makausap nang matino. Bukod kasi sa ngumiti siya sa'kin nang pagkatamis-tamis ay tuwang-tuwa ako na wala naman pala silang relasyon ni Leila. And speaking of Leila, nagulat din ako nang batiin niya rin ako tapos may gift pa siya sa'kin. Tapos niyakap niya pa ako at nagdrama na siya sa'kin na dapat friends na raw kami. Syempre, kahit imbyerna talaga ako sa kanya, tinanggap ko na rin 'yung apology niya kasi kawawa naman siya. Hindi na nga siya gusto ni Reuben tapos pagkakaitan ko pa siya ng friendship. Tutal magiging kami rin naman ni Reuben 'pag natupad na 'yung hiling ko. Might as well be kind to her. Pero sa lahat ng sorpresa ngayong araw para sa akin dito sa resort, wala talagang tatalo sa pinagsasabi ni Luthan. Kinabog niya talaga nang bongga sina Reuben at Leila. Syempre, kagulat-gulat naman talaga 'yung model na pala siya ng hindi ko nalalaman. Sinong hindi mawiwindang sa ginawa niya? At ang galing nilang magtago ng sekreto ha, dahil hindi ko man lang naamoy na may ginagawa na silang 'di ko nalalaman. Kaya pala 'pag umuuwi ako ng bahay galing school hindi na ako magiliw na sinasalubong ni Luthan gaya ng dati. Siguro pagod na siya kapag umuuwi siya mula sa kanyang 'modelling career.' Nakaka-touch naman talaga na ginawa niya yun para mabilhan ako ng regalo. Lalo pa at matagal ko nang pangarap na magkaroon ng video cam. Kaso hindi niya na dapat ginawa yun eh. Mahirap na, baka may makadiskubre pa kung ano talaga siya. Napaisip tuloy ako dun sa pinagtapat niya. Malamang si Steph ang nag-suggest kay Luthan na tanggapin 'yung offer sa kanya na modelling. Tapos si Kuya ang nagsabi na gusto kong magkaroon ng video cam. Kinasabwat pa talaga ni Luthan 'yung dalawa. Pero in fairness, humanga rin ako sa ginawa ni Luthan. Nagawa niya kasing makihalubilo sa ibang tao, at may nahanap pa siyang isang bagong dating bulalakaw. Naging interesado nga ako kung sino iyong 'Maam Ella', pero malamang matandang dalaga siguro iyon. Pero dapat siguro kina Dean at Daniella muna ako mag-focus, lalo na at malapit na ako sa goal ko para sa kanila. At kung inaakala kong tapos na ang gulatan portion, nagkakamali pala ako dahil pagdating ni Kuya kasama na niya 'yung 'girlfriend' niya. At hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko, dahil si Luna ang girlfriend niya! Si Luna de Vera na ilang linggo pa lang naming kaklase na galing pa raw sa ibang bansa! Si Luna na dyosa at crush ng lahat ng lalaki sa buong school! Si Luna na kinaiinggitan ng lahat ng babae sa school! Siya ang girlfriend ni Kuya? "Hi Franceli," nahihiya pang bati niya sa'kin. Tapos may kinuha siya sa bag niya at ibinigay niya sa'kin ang isang maliit na paper bag na may pink ribbons. Natulala ako dun saglit. "Happy birthday." Tulala ko pa ring tinanggap 'yung maliit na box na regalo niya. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala! Grabe talaga itong si Ferdie James Solis, ang bata-bata pa ng girlfriend niya! Ang alam ko halos kaedad ko lang itong si Luna! At seven years ang gap namin ni Kuya! Jusko naman! Umupo na sila at kumain na kami, pero kinailangan pang pagaanin ni Steph ang mood ng lahat mula sa shock at nagsimula siyang kumanta ng Happy Birthday na sinabayan naman nilang lahat. Gulat din kasi sila. Sina Glen at Mikka, sina Reuben at Leila, at pati mismo si Steph. Siyempre nakakaloka nga naman eh araw-araw namin siyang kasama sa school! Tapos girlfriend pala siya ni Kuya? Pero kung may nagulat siguro nang bongga doon sa big revelation ng taon, malamang si Luthan na siguro iyon. Para nga siyang nakakita ng multo nang makita niya kanina si Luna. Hindi ko nga maintindihan ang naging reaction niya. Iniisip ko na lang baka crush niya si Luna. Baka deep inside eh nasasaktan siya, kahit pa isa siyang bituin. Pero sorry siya kasi nauna na si Kuya kay Luna na 'age doesnt matter' na yata ang peg ngayon. "Happy Birthday ulit Frans!" sigaw ni Kuya at hinipan ko na 'yung candle sa cake ko. Opisyal nang nagsimula ang lamunan na nauwi na rin sa videoke dahil nagrenta na rin si Kuya ng videoke machine. Naging masaya naman ang kainan at kantahan sa pangunguna nina Steph, Dean, at Daniella. "Kumusta si Luna?" tanong sa'kin ni Kuya na lumapit sa'kin dito sa seat ko. Iniwan niya pala muna si Luna na kumakanta ngayon. "Nagulat ka ba nang malaman mong siya ang girlfriend ko?" Pinandilatan ko ang kapatid ko na natawa lang sa reaction ko. "Obvious ba? Sana nagbigay ka man lang ng clue. Pero okay naman siya. Maganda. Nagulat lang ako na magkakagusto ka sa sobrang mas bata sa 'yo. Hindi ka kasi ganun." Lalong natawa si Kuya. Mukhang in love nga ang loko. "Hindi ko nga rin akalain. Ganun talaga ang love, Frans. It comes to you in the most unexpected way." "Yuck, Kuya," sabi kong natatawa na rin. "Saan ba kayo nagdi-date ni Luna at naparami ka yata sa mais? Ang korni mo na!" Ginulo lang ni Kuya ang buhok ko. "Korni raw. Mas lalo naman kayo ni Luthan. Talagang handa ka pang lumayas hindi lang kayo magkahiwalay..." Alam kong namula ang cheeks ko dun sa hirit niya. "Tse!" Umalis na sa tabi ko si Kuya at bumalik na sa tabi ni Luna na tumatawa. Inlababo nga talaga siya. Oh well, siguro susuportahan ko na lang siya as usual. Tutal hindi na niya pinaalis ng bahay si Luthan. At ngayon kampante na akong magiging akin din si Reuben mylabs, kasi hindi ko naman pala magiging karibal si Luna sa kanya. Dahil doon, mas lalo tuloy akong ginanahan sa plano ko. LUTHAN Takot na takot ako kay Luna. Alam ko na kasi kung sino siya. Nakita ko ang marka sa mga mata niya. Siya ang Tagahatol. Kung bakit siya nandito sa lupa, hindi ko pa sigurado. Imposible namang alam na niyang dati akong bituin, dahil kung alam niya, bakit hindi niya ako hinuhuli? Ibig sabihin, wala siyang alam na mula rin ako sa kalawakan tulad niya. Hindi niya naman malalaman yun, basta hindi ako maglalabas ng liwanag sa harapan niya. Kaya iniiwasan ko na lang siya. Ayokong mahalata niyang hindi ako tao dahil katapusan ko na kapag mahuli niya ako. Balak ko ring huwag nang sabihin kay Franceli ang nalaman ko, dahil mag-aalala siya at baka iurong niya pa 'yung pinaplano niya. At hindi maaari yun. Ngayon pang malapit na naming makuha ang liwanag kay Dean. "Hoy Luthan, anong nangyayari sa 'yo?" untag sa'kin ni Franceli na tumabi na sa'kin sa upuan ko. Pansin kong pinagmamasdan kami ni Reuben at nakataas ang kilay niya na para bang nagtataka. Kaya agad kong inakbayan si Franceli na ikinagulat niya. "Luthan---" "Sakyan mo na lang, mag-boyfriend tayo 'di ba? Dapat maging sweet tayo," bulong ko kay Franceli at hindi na siya umangal pa. Nag-iwas na ng tingin si Reuben sa'min at nakipag-usap kay Leila. "Sabagay," halos bulong din ni Franceli sa'kin. "Baka makahalata na sila, lalo na si Kuya..." Tumango ako. Pinagmasdan ko si Dean na kumakanta sabay turo nang turo kay Daniella na nakasimangot. Tumatawa ang lahat sa ginagawa niya, pati si Franceli. Hindi ko alam kung ano 'yung nakakatawa, at nang tinanong ko si Franceli 'yung kinakanta raw ni Dean ay If I Were A Boy. "Uy, nga pala, 'yung plano natin ha," sabi pa sa'kin ni Franceli nang pabulong. "Konting liwanag lang naman. Alam kong sinabi kong 'wag mong gagamitin 'yung liwanag mo pero wala namang masamang mangyayari kapag gumamit ka ngayon nang konti 'di ba? Super konti lang talaga. Sabi mo kasi konti lang na liwanag ang kailangan mo para sa gagawin mo." Tumango ako kahit kinakabahan ako. Ang totoo ayos lang naman talagang gumamit nang konting liwanag, hindi naman mahirap 'yung pinagagawa ni Franceli. Ang problema--- si Luna. Siya ang Tagahatol. Kung makikita niyang maglalabas ako ng liwanag, katapusan ko na. Pero ayokong biguin si Franceli. Ayokong matapos ang araw na ito na hindi namin nakukuha ang liwanag ni Dean. Ayokong maging walang silbi. Gusto ko, palagi akong maaasahan ni Franceli. Gusto kong matapos na itong kaso nila Dean at Daniella. *** Pagkatapos ng kainan at tawanan ay nagsipuntahan na kami sa may pool para maligo na. Nagpalit na kami ng mga damit panligo. Syempre, naka-shorts lang ako dahil yun daw ang dapat kong isuot. Kaya paglabas ko ng cr kung saan ako nagbihis, agad akong tinitigan ni Franceli at parang namula siya na nakatitig sa katawan ko. "Bakit Franceli?" tanong ko. "Ah, wala... ano... hindi lang ako sanay---" "Sus!" hirit ni Steph na kasama ni Franceli. "Nabighani lang yan sa 'yo, Luthan. Ang hot mo kasi kapag wala kang t-shirt. May naaalala yata siya," natatawang sabi ni Steph at hinampas siya ni Franceli. Natawa na lang din ako. Noong nandoon na kami sa pool, inabangan ko ang pag-alis ni Luna at Kuya Ferdie. Nang saktong umalis sila para kumuha ng pagkain, saka ako naglabas ng liwanag papunta sa tubig. Para iyong makapal na hibla ng gintong sinulid na lumabas sa akin at humalo sa tubig. Kuminang ang tubig sa pool ng ilang sandali bago ito bumalik sa normal. Hinihintay na lang nito na lumusong si Daniella sa tubig. Nang sumenyas na ako kay Franceli na nagawa ko na 'yung unang bahagi ng plano namin, lumapit siya kina Dean at Daniella upang imbitahan na silang maligo. Nag-uusap pa kasi 'yung dalawa. Sina Reuben, Leila, Glen at Mikka naman ay nandoon pa sa cr at nagbibihis pa kaya kaming apat pa lang ang nandito sa pool. Mukhang matagumpay naman si Franceli dahil maya-maya ay tumayo na si Daniella na naka-bikini papunta sa gilid ng pool. "Ewan ko sa 'yo Dean, maliligo na nga lang ako!" sigaw ni Daniella at lumusong na siya sa tubig. At hindi na siya umahon. FRANCELI Alam kong delikado ang pinagawa ko kay Luthan. Alam kong posibleng malunod ng totoo si Daniella nang sinabi ko kay Luthan na gumamit siya ng liwanag niya para malunod kunwari si Daniella. Hindi ko nga alam kung kayang gawin iyon ni Luthan. Pero tumango siya at natuwa ako. Siguro wala talagang imposible sa magic ng liwanag niya. Kaya nang tumalon na sa tubig si Daniella, kinabahan ako at na-guilty na ako. Hindi na kasi siya umaangat sa tubig, at alam kong umeepekto na ang kapangyarihan ni Luthan. "Oh my God, Kuya Dean! Si Ate Daniella, nalulunod!" Sumisigaw na ako. Balak ko lang umacting nun kaso totoong nalulunod na si Daniella kaya totoo na 'yung panic ko. "Naglulunod-lunuran lang yan," sabi naman ni Dean na nagkibit-balikat lang. Hay, bakit kasi di pa umamin 'tong isang ito! Pero 'di pa rin umaahon si Daniella at kitang-kita naming tatlo na nagpupumiglas na siya sa tubig. "Kuya Dean, nalulunod na talaga siya!" sigaw ko na naman. "Iligtas mo siya!" Nakita ko nang kinabahan na rin si Dean, at napalunok siya. Bigla na lang siyang tumalon sa tubig. I was crossing my fingers. Di ko talaga alam ang gagawin ko 'pag may mangyaring masama kay Daniella, kasi ako ang may pakana nito. Mabuti na lang at naiahon ni Dean si Daniella. Ihiniga niya ito sa semento sa gilid ng pool. Lumapit kami ni Luthan. "Oh my God, wala siyang malay! Nakainom siya nang maraming tubig! Kuya Dean, i-mouth to mouth mo siya!" Namutla naman si Dean sa sinabi ko. "Teka, bakit ako?" "Ikaw ang nurse dito! Malamang alam mo kung pano!" Napalunok ulit si Dean. Kung hindi siya basa malamang pawis na pawis na siya sa nerbiyos. "Ikaw na lang, Franceli! O ikaw, Luthan!" Pinandilatan ko siya. "May nakita ka na ba sa tv na babae na nag-mouth to mouth sa kapwa babae?" hirit ko at medyo natawa si Luthan sa tabi ko. "Ikaw na ang gumawa, Kuya Dean! Ano bang kinakatakot mo? Best friend mo yan! Unless may malisya sa 'yo ang paghalik kay Ate Daniella?" Tinitigan ako ni Dean nang matagal bago niya hinalikan ang walang malay na si Daniella. Well, technically hinihipan niya ng hangin ang bibig ni Daniella, at kitang-kita ko kung paano siya nandidiri sa ginagawa niya at muntik pa akong matawa. Agad namang nagkamalay si Daniella na umubo ng tubig at nagulat kami sa sunod na ginawa niya. Hinalikan niya ng torrid si Dean at natulala kami ni Luthan na nanonood. Nagulat din yata si Dean kaya naitulak niya si Daniella palayo. "What the ef, Daniella?" sigaw ni Dean. "Bakit mo ako hinalikan!?" Sinamaan siya ng tingin ni Daniella. "Ano sa tingin mo? Malamang gusto ko! Hindi ko na kayang mag-deny ng feelings ko para sa 'yo, bakla ka!" sigaw din ni Daniella na napaiyak na. "Muntik na akong mamatay 'di ba? At hindi ko man lang masasabi sa 'yo ang totoong narararamdaman ko! Kaya inuulit ko, mahal na mahal kitang bakla ka!" Natigilan kami ni Luthan sa tabi ng dalawa. Parang nanonood tuloy kami ng isang eksena sa tv. "Loka-loka ka!" sagot ni Dean. "Alam mo namang bakla ako! Tanga ka ba, Daniella?" "Eh sa gusto kita eh!" sagot din ni Daniella na umiiyak na talaga. "Oo, tanga ako kasi mahal kita mula pa noon! Tanga na kung tanga! Loka-loka na kung loka-loka! Di ko nga alam bakit kita minahal, eh sa duwag ka!" Itinuro ni Dean ang sarili niya na nagtataka. "Ako? Duwag?" Ewan ko ba kung imagination ko lang, pero 'yung aura ni Dean--- ang masculine ngayon. Hindi ko nga naiisip na malandi siya. "Oo! Hinalikan mo ako! Ilang beses pa! Tapos inalagaan mo ako nung may sakit ako! Tapos inaway mo 'yung nanligaw sa'kin! Don't tell me walang malisya sa 'yo ang lahat ng yun? Na joke time lang yun?" Hindi nakapagsalita si Dean. "Tangina, Dean. Hindi ako manhid. Alam kong espesyal rin ako sa 'yo. Ginagamit mo lang 'yang gender mo para itago 'yang takot mo!" "Bakit? Tanggap mo ba na ganito ako? Okay lang sa 'yo 'yung idea na nagkagusto ako sa lalaki?" sagot ni Dean at nahihirapan na akong panoorin sila. Ang seryoso na kasi. Parang nilabas na nila ngayon lahat ng nararamdaman nila. "Eh ikaw pala ang tanga eh! Bakit mahal pa rin kita despite your situation? Kasi tanggap kita! Akala ko ba, magpapatulong ka sa'kin na magpakalalaki? What happened?" Napayuko ng ulo si Dean. Hindi ko na alam kung anong iniisip niya. Unreadable na kasi 'yung expression niya. "Sorry, Daniella. I just thought... I don't deserve you..." Mahina 'yung sagot ni Dean at lalong umiyak si Daniella. "Gago! Deserve mo mukha mo! Matagal na kitang hinihintay, leche ka! Alam ko namang nagkakagusto ka rin sa babae! Di mo lang sinasabi! Sinabi sa'kin ni Ferdie, may girl ka daw na naging crush dati noong high school tayo! Pero tanggap ko na Dean. Tanggap ko na." Humahagulhol na tumayo si Daniella at nagtatakbo siya palayo ng pool. Naiwang nakatulala si Dean kaya binatukan ko siya. "Ano, 'di mo siya susundan?" pagtataray ko. Bigla namang tumayo si Dean at tumakbo na rin siya sa direksyong tinahak ni Daniella. Naiwan kami ni Luthan at nagkatitigan kami. "That was epic," sagot ko. "Sana lang maging okay na. Para makuha--- wait. Bakit ka natatawa, Luthan?" Tumigil sa pagtawa si Luthan. "Nakuha ko na 'yung liwanag ni Dean. Nang sinabi ni Daniella na mahal niya si Dean, nakuha ko na." Agad akong napangiti at niyakap ko si Luthan. Napalakas naman ang pagyakap ko dahil na-outbalance kaming dalawa at nahulog kami sa pool.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD