[FRANCELI] Maganda ang mood ko kinabukasan dahil sa pagtawag sa'kin ni Luthan. Kahit pa nag-aalala pa rin ako dahil palapit na nang palapit ang full moon ay masaya pa rin ako dahil hindi naman pala ako nakalimutan ni Star Boy. At bukod pa sa pagtawag ni Luthan, masaya rin ako sa naging 'exciting' development kay Kuya. Masaya ako kasi kahit ginagayuma siya ni Luna ay pinakinggan niya pa rin iyong payo ko. Naiisip ko nga, may feelings kaya ang kuya ko kay Ate Ella at kahit gayuma powers ni Luna ay kaya niyang talunin? Kaya bang kabugin ng true love ang powers ng gayuma ni Luna? Kasi kung effective at infallible 'yung gayuma ni Luna, bakit ako pinakinggan ni Kuya at lumayo pa siya rito? Sana lang talaga ay makalayo na nang tuluyan si Kuya kay Luna para makagawa na kami ng paraan ni Luthan

