ALAM ni Kring-Kring na mali. Na hindi na dapat. Na kailangan na niyang itigil ang mga kasinungalingan niya. Pero ngayong nakahiga sila ni Paul Christian sa kama habang magkayakap, alam din niyang hindi na niya kayang lumayo. Infatuated siya kay Paul Christian noong nasa kolehiyo pa lang sila, kaya ito ang itinuturing niyang first love. Pero ngayon, pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan nila sa maiksing panahon, mahal na niya si Paul Christian. Sa lahat ng kasinungalingan niya, iyon lang ang natitirang katotohanan. "Kring?" Tumingala siya kay Paul Christian. Seryoso ito habang nakatingin sa kanya. "Hmm?" "Huwag ka na uli sasama kay Louie kung saan-saan, okay? Mabuti na lang at si Mr. Chua ang may-ari nitong resort kaya nakapagpa-reserve agad ako ng mga kuwarto para sa buong klase," naghihi

