Tanika Fernandez Point of View
Smitten With You by Ms. El
I'm struggling in solving our take home activities in General Physics. Madali lang din ang solving na binigay pero nahihirapan talaga ako. Noong tinuturo sa amin kanina ay nakukuha ko naman pero ngayon nalilito na ako.
Ugh! Kanina ko pa ‘to tinititigan at mukhang wala na naman akong maisasagot na tama. Nakakahiya na kung ipapagawa ko pa ulit kay Cheska, ang pinsan ko. Hindi kami pareho ng strand na kinuha, STEM ang sa akin habang HUMSS naman ang kanya. Pero mas magaling siya sa math kaysa sa akin.
Sinabunutan ko ang sarili ko sa sobrang inis.
I decided to ask for help. I stood up at my learning table and walked towards my door. I stopped when I saw my mom walking towards me holding many paper bags with expensive beauty product brands.
I rolled my eyes.
She went shopping again.
"Mom!" Naiinis akong lumapit sa kanya at tinitigan ko siya nang masama habang hawak ko ang notebook ko.
She was still wearing her flowery dress and a stiletto. Seriously? I can't even walk properly with it, while she's wearing her five inches heels buying all of these stuff.
My mom was still stunning even in her late fifties, she's like my older sister. She has a high standard in fashion and can also compete with young ladies with her perfect body shape even when she gave birth. She's still slaying with her bikinis. She was a famous sexy star back then.
Marami rin siyang sexy movies na ginawa, naging model din sa mga calendar noong panahon niya. Madalas din siyang laman ng kontrobersiya noon. Alam na alam ko ang lahat ng ‘yon dahil elementary pa lang ako ay tinutukso na ako na magiging katulad niya. Paano naman kasi ay nakuha ko halos lahat ng physical appearance ni mama.
She still get so many offers from different companies to advertise their products, especially beauty products.
"Where's Francheska? There's a new launch of skin beauty products that are really popular in Europe. I bought you two!" Mom exclaimed in excitement.
Hinilot ko ang sentido ko at napailing na lamang.
"Mom, I still have one box facemask that you bought two weeks ago. I haven't even used the lipstick you gave me the other day. Tapos bumili ka na naman?" giit ko sa kanya.
Ngumiti si mama na mas lalong nagpalabas nang ganda nito.
My mom is a very feminine, soft type woman, sweet and caring. Kaya maraming nanliligaw sa kanya. Businessman, politicians, name it she can have it because of her charisma.
"Throw it away, Tanika. You should not stock it for long," anito sa akin na mas lalong nagpasakit ng ulo ko. Naglakad si Mama papasok sa living area namin sa second floor.
"Cheska! Come on sweety, I have something for you!" tawag nito sa pinsan ko na magkatapat lang ang aming silid. Lumabas si Cheska na hawak pa ang cellphone nito.
"Really, Tita Elly?" ani Cheska na excited na lumapit kay mama.
I rolled my eyes in disbelief. Sila ang madalas magkasundo pagdating sa ganitong bagay.
"Oh my gosh! I've stalked these beauty products before. The reviews were so good. Wanna try it na, Tita!" sabi nito paglapit niya sa mama ko nang mapansin ang hawak nitong mga shopping bags.
Sumulyap ako sa kanila na nasasabik na nilalabas ang mga pinamili ni Mama sa shopping bag.
Pinsan ko si Francheska, isang buwan lang ang tanda niya sa akin. Her mom was the eldest sister of my mom. Her family already migrated to Spain with Kuya Fernando, her older brother. Naiwan muna siya dito sa amin. Pagkatapos ng school year na ito ay susunod na rin siya doon. Dito na kasi siya pinapatapos ng senior high ni Tita Emillia, ang mama niya.
"Tanika come here!" tawag sa akin ni Mama. Itinaas ko ang kilay ko at nagbuntonghininga na lamang habang naglalakad patungo sa kanila.
"Nika? Look. This is a new trend of shades of matte lipstick!" ani Cheska na tinaas ang sikat na brand ng beauty products sa ibang bansa.
Bagsak ang dalawang balikat ko na lumapit sa kanila at umupo sa sofa.
"Meron pa ako. ‘Yong binili ni Mama noong isang linggo," saad ko. Not the same brand but it’s still a lipstick.
Sumulyap ako kay Mama na inaamoy ang lotion na hawak niya. Hindi lang isa ang binili niya kung hindi lahat ng available na stock.
"Mom, can you please stop buying too much?!" naiinis na anas ko sa kanya.
Hindi ito ang unang beses na sinita ko siya. Dahil sobra-sobra na ang pinamimili niya ng mga ito habang marami pa naman kaming stock.
Mas lalong napapadalas ang paglulustay na pera ni Mama simula namatay si Papu. He wasn't my real dad, my dad died when I was ten because of accident. Then after four years, mom met Papu who became my second dad. He's an old but rich businessman.
Wala siyang anak at naging asawa, kaya tinuring niya akong prinsesa. I do love Papu, he was like my Papa they care for me and love me.
Na-mild stroke si Papu noong two years pa lang sila nagsasama ni Mama. The last one was two months ago, the reason for his death. Mayaman si Papu, he left all his assets and properties to us.
He loves my mom so much, and he loves me too. That’s the reason why I’m giving all the favor. But my mom? She’s dating other guys while they were together. She was always seen with different men. Papu didn’t believe it. He just believes my Mom, he was blinded by her words.
I took the STEM strand in senior high because Papu wants me to be an engineer. Kahit sobrang halata naman na ang hina ko sa math, mahina rin ako sa drafting. Iilang numbers pa lang nakikita ko nahihilo na ako, kahit basic math pa. Madalas nga yata ay kausapin ni Papu ang mga teacher ko para lang bigyan ako ng magandang grado, you know how money works.
"Hija? I'm so bored. I do nothing at home.” Madalas na dahilan sa akin ni mama.
"Oo nga naman sis!" Pagsang-ayon ni Cheska habang tinitingnan ang mga serum.
Maraming nagsasabi na carbon copy ko si mama, I got all her features. Beautiful eyes, long eyelashes, shiny hair, soft and porcelain skin and a good body shape. But she's more girly than me.
She wants us to be her. A beautiful fine woman that every man would die to have for. She always reminds me to act like her; feminine, sweet and lovely. Naniniwala kasi siya na mas magugustuhan ng lalaki ang ganoong pag-uugali.
"Do your yoga activities, ma. Or, find something to kill your boredom," suhestiyon ko na saad ko.
Hindi pa naman ganoon kalaki ang nagagastos niya. Pero kung magpapatuloy siyang ganito ay hindi pa ako tapos ng college ay wala na kaming pera. She's not even accepting offers right now.
"Okay, okay," ani Mama at ngumiti sa akin.
I rolled my eyes, even her voice was so soft. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit maraming nanliligaw sa kanya. Lalo na ngayong wala na si Papu. She's a type of woman that every man would ask for.
"But please, Mom. Stop dating another man!" saad ko at walang ganang tumayo.
"We're just hanging out," ani mama at ibinigay ang buong atensyon kay Cheska.
Napahinto ako sa sagot nito. Tama nga ang kutob ko, mayroon na naman siyang kinikitang ibang lalaki. Umiling ako nang mabilis at iniwan sila. Sa pagkamatay ni Papu, natatakot ako na baka maulit na naman iyong dati.
When my dad died, mom dated so many men. Madalas, pamilyado. She was then a family wrecker, naging kabit siya ng mga ito at hinahayaan lang niya ‘yon. They bought her expensive bags, clothes and things. While others were also paying my tuition fees and giving me money.
Madalas akong mapaaway noon sa school dahil iyong anak pala ng lalaki ni mama ay schoolmate ko. Laman ako ng balita sa school nang dahil sa kanya. Iyong iba ay itinulad pa ako sa kanya. That's more painful, I want to defend my mother but it's all true, so I chose to keep quiet. I looked like her, but I will never be her. Never.
When I was in junior high school someone courted me. But because of the issue about my mom, b-in-usted ko siya. Pagkatapos noon ay pinagkalat niya na kamukha ko ang mama ko na mahilig sa mayayaman. Sinabi rin niya na mayroon akong sugar daddy because of my expensive things na binili noong manliligaw ni mama.
Ang daming nag-bash sa akin. Halos ilang buwan din akong hindi pumasok dahil takot na marinig ang masasakit na salita. Lahat ng gamit na galing sa mga manliligaw niya ay tinapon ko.
I started to limit myself to other people.
Nagpasya si mama na ilipat ako sa ibang paaralan. They prefer that Cheska and I be together while we're pursuing different strands.
Dahil sikat si mama kahit na sa iba’t ibang social media mabilis akong nakilala sa school. Sinasali nila ako kapag may beauty contest at ginagawang muse.
Dumami ang manliligaw ko pero takot ako na mangyari ulit ang nangyari noon.
I'd better be careful, I don't usually entertain suitors. They did everything just to get my attention. Nang dahil naman sa atensyon na nakukuha ko, mas marami naman ding babae ang naiinis sa akin.
Madalas kasi ay ako ang nagugustuhan ng lalaking gusto nila kahit na hindi naman ako nagpapakita ng motibo. O madalas, ako ang dahilan nang paghihiwalay nila. Kaya mas pinipili ko na lang na sumama kina Cheska sa school kahit na hindi ko siya kaklase.
Ayokong maging katulad ni mama. Hindi ako tutulad sa kanya, hindi ako magiging dahilan ng pagkasira ng isang pamilya. I want to find a good man that will not judge me, and love me no matter who I am. Hindi ako makikihati sa pagmamahal ng isang lalaki.
"Mom? What's the meaning of this?"
Iritang-irita ako kay mama nang nakita ko siyang inihatid ng hindi pamilyar na itsura ng lalaki. Kahit na may ilaw sa labas ay hindi ko naaninag ang mukha nito.
She was wearing her black glittery long dress with her red lipstick. It's ten in the evening, kung hindi pa ako nagising para uminom ay hindi ko alam na hindi pa pala siya nakauwi. Ang sabi niya ay may pupuntahan lang siyang birthday party ng schoolmate niya.
Ngumiti sa akin si mama at tumuloy sa loob ng bahay.
"Bakit gising ka pa? Matulog ka na at maaga pa ang pasok mo bukas," sagot nito at tumuloy ito sa maliit na bar namin na malapit sa dining area.
Binuksan nito ang isang wine at kumuha ng red wine glass. Umupo ito sa high chair at hindi man lang sinagot ang tanong ko sa kanya.
"Don't tell me... you're dating another man na naman, ma?!" naiinis na tanong ko.
Napahinto ito sa paglalagay ng wine sa baso niya at sumulyap sa akin. Huminga ito nang malalim at ipinagpatuloy ang ginagawa.
"You're nagging at me again, Hija. Women should speak softly. Stop talking like that, your future husband might leave you," anito sa malambing na boses.
I rolled my eyes in frustration.
"Puwede ba, ma? Kahit paabutin mo man lang sana nang isang taon ang pagkawala ni Papu. Give him some respect!" naiinis na pahayag ko sa kanya habang umiinom ito ng wine na hawak niya.
Binaba nito ang wala nang laman na wine glass at humarap sa akin.
"You should take some rest, Tanika. You're tired, you will lose your beauty," ani Mama at tumayo at naglakad ito patungo sa hagdan.
"Going back to your old self, ma? Ano magiging kabit ka na naman?!” Huminto ako at umiling. “Mali– ang ibig kong sabihin, lantaran na ba ‘to dahil wala na si Papu?"
She stopped and I guess I hit the button. She looked at me and her brows furrowed.
"If you're concerned because of your Papu. Buhay pa siya ay humihingi na ako ng tawad sa kanya. Don't criticize me for being a mistress. Don't forget when your Dad left us, someone is willing to pay our expenses. You have even studied in exclusive schools and can buy luxurious things."
Ito ang madalas na idahilan ni Mama. She's not looking at the wrong side of what she's doing. Lagi lang siyang tumitingin sa magandang maibibigay ng tao sa buhay niya. Hindi niya iniisip na nakakasakit siya ng ibang tao, pamilya o anak man noong lalaking kasama niya.
Madalas pa na rason niya, kung inaalagaan ng tama ay hindi maghahanap ng iba.
"I'm tired of it, ma! Hindi pa ba sapat iyong pera na iniwan ni Papu sa atin? Yet you're still looking for someone who can give your needs?" Padabog akong lumakad patungo sa hagdan at inunahan ko siya sa pag-akyat.
"No.” Huminto ako sa sinabi nito. “I am looking for love, Nika. I'm asking for love."
Nanggagalaiti akong sumulyap sa kanya na nasa ibaba ng hagdanan.
"Love? It was given to you mommy, Papu loves you so much!" giit ko. I looked at her in disbelief. “Can’t you feel it?”
Natawa si Mama na mas lalo kong kinainis at umiling-iling.
"Iba pa rin kapag ang taong nagmamahal sa ‘yo ay mahal mo."
"If you didn't love, Papu? Sana hindi mo na lang siya pinakasalan. You're being mean, mama! You're so selfish!" Nagsimulang uminit ang sulok ng aking mga mata habang galit na galit na tumingin sa kanya.
“Because I love you. I did it all for you.” Dahan-dahan akong umiling sa sagot nito at lumandas ang luha sa aking mga pisngi.
She nodded her head.
"One day, you will also understand me when you fall in love. When you already love someone," anito sa akin.
I really don’t get it.
I hissed on her and shook my head while walking to my room.
She’s asking for love. Papu has given his love to her but she’s still looking for someone. Hindi ko makuha ang gusto niyang sabihin. Hindi pa ba sapat na mahal ka ng isang tao para mahalin mo rin siya?