EXCITED na tinanaw ni Toni ang dagat mula sa verandah ng kuwarto niya. Isang villa ang inilaan ng resort para sa kanila na nakaharap sa tabing-dagat. Tig-isa sila ng kuwarto ni Rushmore but she didn’t mind. Pabor sa kanya na may privacy silang dalawa. Akala niya ay magkahiwalay sila ng kuwarto. This one was much better. She found it romantic. May mga ideas na sila para sa kanila ni Rushmore. Lumabas siya ng kuwarto at natagpuan itong may kausap sa cellphone habang nakaharap sa laptop. He was wearing long sleeve polo, trousers and leather shoes. Wala sa itsura nito ang magre-relax at magbabakasyon. Mukhang wala itong planong tumigil sa pagtatrabaho. “Rushmore, maganda ‘tong villa, di ba? We even have an outdoor jacuzzi. Have you checked it?” tanong niya. “Later.” “Parang masarap din iku

