KUSANG tumulo ang luha ni Toni habang pinapanood ang block screening ng Someone Like You, ang pinakabagong box-office hit kung saan siya ang kumanta ng soundtrack. Parang pinipiga ang puso niya habang magkayakap ang mga bida na nagkatuluyan din matapos ang santambak na pagsubok na pinagdaanan ng mga ito. Kung tutuusin ay hindi naman magagaling umarte ang mga bida at sa palagay niya ay puro pa-cute lang ang mga ito pati na rin ang istorya. Pero sa huli ay di rin niya maiwasang mainggit ang maalala ang pinagsamahan nila ni Rushmore. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Mommy Jho sa tabi niya. “Nakakainggit naman si Marianita Aguilar. Sana ako na lang ang leading lady ni Edmund Galvez,” kinikilig na sabi nito. “Nakakakilig, hindi ba?” Tumikhim siya. “Pupunta po muna ako sa restroom.” “

