Mahabang sandaling pinagmasdan ni Toni si Rushmore paggising niya. Mahimbing na mahimbing ang tulog nito sa tabi niya. Magdamag siya nitong binantayan kagabi. Marahil ay umalis ito noong panahong tulog siya para balikan ang mga bisita sa bakuran nito pero kapag naaalimpungatan siya ay lagi itong nasa tabi niya at muli siyang pinapatulog. Umuugong pa rin ang pandinig niya pero bahagya na siyang may naririnig. Marami siyang kailangang gawin sa araw na iyon tulad ng pagpunta sa ospital para sa MRI niya. Wala pa siyang balak na bumalik ng Maynila. Alam niyang naghihintay ang mga reporters para pigain siya. Walang konsiderasyon ang mga ito sa paghihirap at sakit na dinaranas ng iba. They would happily see a person bleed to get juicier stories. Pero hahanap siya ng ospital sa Davao na pwedeng

