♛Chapter Thirteen♛ Zayna: Kinabukasan ay nagpasya akong mag-mountain trekking. I heard from the caretakers na may mga magagandang tanawin sa loob ng bundok ng isla kaya lang napakatarik—but I decided to pushed myself. Kasama ko ngayon si Jeremy Janes—short for J.J. at lima pang ibang mga guards. Tatlo sa kanila ay mga babae. The man kept updating me with some office works that I left behind pero pakiusap ko sa kaniya ay ‘wag na muna ngayon. Uuwi na ako bukas. Haharapin ko na si Ylejah at kung gaano ang galit niya sa’kin—at sasabihin ko sa kaniya ang desisyon ko at kung ano ang makakabuti sa’min sa ngayon. I’m both a danger and in danger—either of the two, parehong madadamay si Lana.. We better stay away from eachother until the news about the group syndicate and the big man’s

