PROTEKSYON

522 Words
HIRAKU Itinawag ko kaagad Kay Ma'am Liza Ang Lola ni Hannah Ang nangyare at nagpadala sya Ng mga magkukulong sa Halimaw na yon . Pasalamat Ako at nakarating Ako agad at naging alerto Ang nobya ko sa pakikipaglaban sa Halimaw . Ilang Gabi narin syang binabangungot at di makatulog Ng maayos dahil Doon at naging balisa sya sa mga sumunod na Araw. kaya sa Araw na ito ay Hindi muna ako pumasok sa academy . Unti unti na nga silang nagpapadala Ng kalaban dahil nararamdaman din nila na naghahanda din kami sa pakikipag laban sa kanila . Nagbigay din Ng ilang gwardya Ang Lola ni Hannah para mabantayan sya pag wala Ako . Marami kasi akong inaasikaso sa Academy dahil marami na Rin nakakaalam na kalahating immortal si Hannah at alam nilang mas malakas ito sa kanila. Kaya nagkaron ngaun Ng pagtatalo sa Academy kinausap Naman ni Ma'am Liza Ang bagong Principal Ng Academy upang Hindi mabahala Ang mga immortal na estudyante Kay Hannah dahil Mali sila Ng Akala Kay Hannah Akala nila ay porket malakas si Hannah ay magiging masama na ito. Nabigyang solusyon Naman ito ni ma'am Liza para Hindi na masyadong mag alala si Hannah kapag pumasok na sya sa susunod na pasukan. Hindi naging madali sa amin Ang pamumuhay dahil lagi Rin may nagpaparamdam sa kanya at pasalamat kami salola nya dahil magagaling Ang pinadalan nyang gwardya para sa amin. Pati Rin Ako ay naka alerto sa pagbabantay sa amin . Ilang Halimaw na nga Ang sumugod sa Academy at nagkakagulo Ang mga teacher may nasusugatan at may Ilan namang pilit paring lumalaban para sa kaligtasan. Nakakasama na nga namin si Hannah sa pakikipaglaban sa mga Halimaw ,iniisip ko kung ano ang nararamdaman nya tahimik kasi sya sa tuwing uuwi kami at nagmukmok sa kwarto . kasalanan ay pinapasyal ko din sya para di sya mabagot sa bahay inaalis ko din sa isip nya Ang pag aalala nya sa mga teacher sa academy . Kaya kahit papaano ay nawala Ang lungkot sa mga mata nya at bumalik Ang ngiti sa kanyang labi . Ilang beses narin syang tumutulong sa pagbabalik Ng Academy dahil sa mga nakaraang laban ay maraming nasirang silid sa Academy . Sinamahan ko din syang dumalaw sa puntod Ng magulang nya sa Maynila at dumalaw Rin sya sa mga Foster parents nya pinakilala din nya Ako sa mga kinalakihan nyang kamag anak sa Maynila. Sumama samin si Ericka at Harold dahil alam Kong bagot narin Ang dalawa sa mga sunod sunod na laban nitong nakaraang buwan. Ilang beses naring nagbanta si Harold sa akin na kukunin nya sa akin si Hannah kaya sya sumasama sa mga lakad naming dalawa ngunit Malaki Ang tiwala ko sa nobya ko dahil may tiwala din ito sa akin. Iniiwasan ko din na may mangyaring di maganda dito sa Maynila dahil narito kami at baka masundan kami Ng mga Halimaw . Ilang beses ko Rin pinakiramdaman Ang paligid ngunit wala na mang kakaiba marahil napagod na ata sila sa pagsugod sa amin. Kaya napanatag Ang loob ko na Hindi kami mapapahamak sa Lugar na to. Thank you for reading ?

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD