The Beginning

347 Words
Ang magulo kong buhay magsisimula sa pag pasok ko sa isang school na hindi ko alam kung anong klaseng school. Sa unang pagyapak ko sa lupang kinatatayuan ng school na yun ay kinilabutan na ako. May naramdaman akong kakaiba. Ngunit hindi ko na lang ito pinansin sapagkat naguguluhan ako sa aking iniisip at nararamdaman. Bawat paghakbang ko ay kapansin pansin ang pagtingin sa akin ng mga tao sa eskwelahan na yon parang nakita na nila ako, nakikita sa mga mata nila ang inis,galit,puot at pagtutol sa aking pag hakbang sa eskwelahan na yon parang sinasabi ng mga mata nila na wala kang ligtas dito,wala ako g mapapala, di ako kabilang sa kanila, pinagpatuloy ko ang pagsunod sa babaeng nasa unahan ko at patuloy na naglalakad at di pinapansin ang mga matang nakatuon sa amin. Iniwas ko na lang ang aking mga mata sa mga estudyanteng naroroon... At isang lalake ang nahagip ng aking paningin sa pag iwas ng aking mata Sa mga estudyante na kanina pa parang inis na inis na makita ako. Siya namang kabaligtaran ng pagtitig sa akin ng lalaking yaon. Makikita ang pafkasabik niya sa akin, para bang kaytagal nya akong di nakita at ganon na lamang ang makahulugang titig nya sa akin. May misteryo kaya rito sa eskwelahan na ito. O isa akong parte nito. Bakit ganito ang nararamdaman ko ... Bahagi ba sila ng panaginip o sadyang bahagi sila ng buhay ko na hindi ko maalala. Dahil ba sa nakaraan o sadyang kakaiba lang talaga sila sa akin... Tama na nga toh... Ang gulo na .. Napagod ako kahit naglakad lang ako.. Dumaan ang maghapon na panay pagpapakilala at lecture lang ang sinimulan ng teacher. . Hanggang sa matapos ang klase. Pauwi na ako ng madaanan ko ang isang puno ng bayabas at may kakaiba akong naramdaman ng pagtingala ko sa mataas na bahagi nito at may isang anino ng lalake ang nakita kO. sa halip na matakot ay mabilis akong lumakad papauwe... Hanggang sa makarating ako ng bahay ng maayos at wala ng sumusunod. Nakakapagod ang araw na ito... Hay naku...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD