Chapter 5

1429 Words
"Dan baby!! Serena called out. While Dan supposed to go out to the gymn. Katatapos lang nya nun mag work out at pauwi na sana siya. He wasn't expecting her to come dahil ilang araw na din niya itong iniiwasan. They've been together for almost two months now and Dan noticed na nagiging possessive na ang babae at gusto nito'y alam ang lahat ng ginagawa niya. She was a pure American kaya masyado itong liberated at impulsive na ayaw na ayaw niya sa isang babae. Naging sila nito dahil ipinakilala ito ng isa niyang ka team, mula noon lagi na siya nitong tinatawagan at minemessage in short ito ang unang nagpakita ng motibo and since lalaki siya at napakaganda at sexy naman nito so he grabbed that opportunity at naging sila nga nito. Lately nasasakal na siya sa pagiging selosa nito at parang hindi na siya naeexcite na kasama ito. Well Serena is super good in bed she's very wild and dominant at dahil mas bata ito kaysa sa kanya ay nasa kainitan pa talaga ito pagdating sa s*x, she was barely 19 years old but she looks maturer than her real age maybe because she already had a lot of experience in men. Napabalik siya sa loob ng gymn ng wala sa oras para taguan ito, he doesn't want her to see him kaya he's planning to go home sa bahay ng mommy niya. He already had his own pad but if things like this happen he preferred to stay in their family house. Nang mamataan niyang lumabas ito ng gymn ay agad agad na siyang lumabas at nagtungo sa parking lot to get his car. Kukuha muna siya ng ilang gamit sa pad niya bago umuwi sa bahay ng mommy niya. ***** "Anna? Is that you iha, anong nangyari sayo.? Sunod sunod na tanong ni Mrs. Thompson pagkakita pa lamang sa kanya sa loob ng sasakyan. "M-mam, pasensya na po sa abala. Nakayukong paghingi nya ng paumanhin dito she was still shaking that moment. "Mam, nadaanan ko siya kanina habang papunta ako dito. Sabat naman ni Manong Delio at saka ikwinento ang nangyaring pagtatagpo nila kanina. Bumaling ang ginang sa kanya at nag aalalang tinignan siya nito. "May nangyari bang masama sa iyo iha? She asked her at hindi niya napigilang umiyak at humagulhol sa harap nito at ikwinento kung bakit siya naroon ngayon. "Oh  my god!. Anna, wala bang masakit sayo iha? Bakit hindi ka humingi ng tulong sa 911, you should have called. Bakas sa mukha nito ang pag aalala kaya naman sobra siyang na touched dahil kahit hindi sila nito lubusang magkakilala ay dama niya ang malasakit nito. "S-sa sobrang gulat ko kanina mam hi-hindi ko na naisip ang bagay na yan ang inalala ko lang ay kung paano ako makakatakas sa kamay ng demonyong yun. She explained at bumangon agad ang galit sa dibdib niya sa anak ng asawa ng nanay niya. She doesn't even want to call her mother on the phone dahil baka imbes na tulungan siya nito ay baka kampihan pa nito ang anak ng step father niya. Sa pananatili niya sa bahay ng mga ito nakita niya kung paano itrato ng ina ang anak ng asawa nito. Malapit ang mga ito sa isa't isa at mistulang ito ang mag ina, habang nanatili namang cold ang treatment niya sa ina at pinakikisamahan lang dahil sa nandoon siya sa pangangalaga nito. At kaya lang naman siya pumayag na sumunod  doon sa America ay dahil sa kailangan niyang tustusan ang chemotherapy ng lola niya at iyon ang naisip niyang madaling paraan to finance all the medical expenses her grandmother needs. "You should call you're mom iha, dapat malaman niya na nasa mabuting kalagayan ka right now. Doon ka muna sa bahay ko kung wala kang matutuluyan ngayong gabi okay?. Saad nito at niyakap siya ng mahigpit ng ginang para pagaanin ang loob niya. Napaiyak tuloy siya dahil sa ipinakita nitong kabaitan sa kanya. Napakabait talaga nito at magaan na agad ang loob niya sa ginang. She called her mother at sinabi dito ang nangyari and to her surprise ay parang wala itong pag aalala sa nangyari sakanya at bagkus ay pinapauwi na siya nito sa bahay ng asawa nito. She wasn't felt safe in that house anymore pagkatapos ng nangyari ay naisip niyang baka ulitin pa ng hayop na lalaking yun ang ginawa sa kanya at baka kung ano pang kasamaan ang gawin nito sa susunod. Sa palagay niya ay adik ito base sa itsura nitong laging parang naka high but his dad is tolerating that kaya malakas ang loob nitong gumawa ng kasamaan at sa pagkakaalam niya ay may record na din ito dati sa police kaya talagang capable ito of doing bad things. ****** Inilibot ni Anna ang tingin sa loob ng bahay ni Mrs. Thompson and she was so impressed by the interior of her house, napakaganda at ang laki ng bahay nito like yung nakikita niya sa mga movies at napakaganda ng design at talaga nga namang halatang mayaman ang may ari ng bahay. Halos mapanganga siya pag pasok nila sa loob ng bahay, may mahabang pool ito na makikita sa gilid na parang grand canal ang pagkakayari and all the materials and furniture ay talagang napakamodern na. "Come inside Anna. Nakangiting yakag ni Mrs.Thompson sa kanya. "A-ang ganda ho ng bahay nyo m-mam. Namamangha pa rin niyang bulalas pagpasok sa loob ng bahay. "Welcome to our home iha. And please just call me tita Juliet. She told her still in full smile. "Ako lang at ang isa naming full time na maid ang nakatira dito. Though sometimes umuuwi dito ang only son kong Basketball player but he already owned a pad kaya madalang na lang yun umuwi dito. And by the way the interior of this house is his own creation. Architect din kasi siya by profession. Hindi nawawala ang ngiting kwento nito patungkol sa nag iisa nitong anak. Napakaswerte din pala talaga ng anak nito dahil mag isa lang ito at napakabait pa ng nanay nito. Nakaramdam tuloy siya ng inggit para sa anak nito dahil kita sa mata ng ginang na sobrang mahal na mahal at proud na proud ito sa anak nito. "Napakaganda po ng pagkakadesenyo t-tita. Alanganin niyang tugon at matipid itong nginitian. "Halika dadalhin kita sa magiging kwarto mo. Oh by the way have you eaten your dinner? Tanong nito. "O-opo tapos na po, salamat. Nakangiti niyang sagot. Ang totoo ay hindi pa siya kumakain at dahil sobrang nahihiya na siya dito she just said na tapos na siyang kumain dahil ayaw na niya itong masyadong abalahin pa. Umakyat sila sa taas at sa pangalawang pinto ay huminto sila at binuksan nito iyon. Tumambad kay Anna ang napakagandang silid. Parang kwarto ng princesa sa laki at ang ganda ng pagkakaayos ng kwarto. "Dito ka matutulog Anna. Just be comfortable and feel at home, okay? She said at maya maya pa'y nagpaalam na ito para makapagpahinga na daw siya. Nagpasalamat naman siya dito at ng maisara ang pinto ay hindi pa rin siya makapaniwalang naroon siya sa bahay nito. Nakahiga na si Anna at hindi pa niya makuhang matulog dahil sa dami ng iniisip including sa nangyari sa kanya kanina at kung paano na siya ngayong takot na siyang bumalik sa bahay ng ina. Saan siya pupunta ni wala nga siyang ibang kakilala doon maliban sa ina. Mag aala una na ng madaling araw at dahil wala siyang kain ay nakaramdam na siya ng p*******t ng sikmura dahil sa gutom at dahil hindi na niya kayang tiisin iyon ay nangahas na siyang bumaba sa kitchen upang maghanap ng makakain at dahil na din nasabi naman ni Mrs.Thompson na kung magutom siya ay pwede siyang  bumaba sa kusina para kumain, kaya yun ang ginawa niya. Dahan dahan ang kilos niya habang naroon siya sa kusina, she opened the fridge at naghanap ng pwede niyang kainin. Wala na siya nung suot na bra dahil tinatanggal naman talaga niya iyon pag matutulog na siya. May nighties na pinahiram sa kanya si Mrs.Thompson at iyon ang isinuot niya since hindi naman siya nakapagdala ng kahit anong gamit sa pagtakbo niya kanina. At dahil wala namang ibang tao kundi si Mrs.Thompson at wala naman daw sa araw na iyon ang katulong nito dahil nag day off kaya malakas ang loob niyang lumabas na ganun lang kanipis ang suot. But when she supposedly turn back para dalhin sa mesa ang nakuha niyang pagkain ay halos himatayin siya sa gulat ng pagharap niya ay bumangga siya sa isang maskuladong katawan at dahil dim light lang ang isinindi niya ay hindi niya maaninag ang mukha ng kung sinong lalaking pangahas na ngayon  ay nakahawak na sa baywang niya!... *to be continued*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD