Malakas na sampal ang tinanggap ni Elly sa mga magulang ng umuwi s'ya sa kanila after 1-week na mag stay s'ya kila Noah. After umalis ng binata hindi na ito nag pakita pa. Labis s'yang nasaktan sa ginawa ni Noah pero 'di n'ya maramdaman sa puso n'ya ang galit sa kabila ng lahat. Kitang-kita n'ya ang sakit na idinulot n'ya rito kaya 'di n'ya ini-expect pang mapatawad s'ya ni Noah. Kinailangan muna n'yang pagalingin ang mga kagat at pasa n'ya sa katawan bago s'ya umuwi sa kanila kasama ang parents ni Noah at si Tanya. Masama ang tingin ng ama n'ya sa parents ni Noah pero naki-usap s'ya sa mga ito na wag sabihin ang totoo. Ayaw man pumayag ng mga ito wala na rin nagawa dahil kundi pumayag sa paki-usap n'ya. “Asan ang magaling n'yong anak.” galit na anggil ni Joshua. Pilit naman pinakakalma n

