Simangot na simangot si Noah habang nag baba ng gamit nila mula sa sakyan. “Smile ka na please.” yakap ni Elly sa braso ng asawa. “Smile? How could I smile when I have insane wife na pumayag sa ganitong set up.” “1-week lang naman every month sa loob ng 6 months ang counseling ng babaitang yun. Kawawa naman kung pababayaan lang natin s'yang mabaliw dahil lang sa gandang lalaki ng asawa ko.” biro ni Elly. “Not funny Shelly Mae.” napangiwi naman si Elly. Tinatawag lang s'ya nitong Shelly Mae kapag galit or na iinis na ito sa kanya just like her father na galit na galit ng malaman ang ginawa n'yang pag payag sa set up na yun. Halos 1 month din n'yang kinumbinsi si Noah na pumayag kung 'di pa n'ya tinakot na hindi na n'ya iinumin ang pills 'di pa ito mapipilitan pumayag. Obviously mahal t

