DUSTIN NAKASUNOD lang ang mga mata ko sa papaalis na si Cai habang nakaangkla sa kan'ya si Camille at katabi niya naman si Nicole na hindi rin siya iniiwan. Alam ko talaga na hindi nila iiwan si Cai kaya naman tiwala ako sa kanila. "So! Mauuna bang ikasal si Caleb o mauuna kang ikasal?" tanong ni Miggy kaya naman napatingin ako dito. "Ay aba! Dapat ako ang una! May anak na ako," singit ni Caleb. "Excuse me! May anak din kami! Malaki na kaya dapat mauna na ako. Hihintayin mo pa makapanganak si Liane e," saad ko. "May point pero kung makapagsabi ka ng ikaw muna parang nagpropose ka na ha!" usal ni JK. "Hindi naman marunong iyan magpropose kaya paano iyan magpopropose?" singit na naman ni Justin na siyang tinanguan noong iba. Kusa naman akong napakamot sa batok ko dahil doon. Anong g

