Content warning: This story contains violence that may give discomfort for some readers. Prioritize your state of mind all the time. The author doesn't want to cause any triggers.
Read at your own risk. Thank you.
------------------
ISANG malakas na iyak ng bata ang namutawi sa buong paligid ng bahay.
"Faye, wag ka na iyak. Lalaba pa si Mama, magsasaing din, lagot na naman tayo sa papa mo pag dumating iyon na wala pang pagkain," kausap ng ina sa anak nitong patuloy pa din sa pag iyak.
Hindi na din malaman ng ina kung bakit ba ito umiiyak at ayaw magpalapag.
Sa takot na muling saktan ng kinakasama, ibinaba nito ang anak at hinayaang munang panandaliang umiyak.
Mabilis itong kumilos upang magsaing. Wala naman siyang malulutong ulam dahil wala naman silang stocks na kahit anong dilata o gulay man lang.
Sa kakarampot na kinikita ng kinakasama ay hindi sila makakabili ng ganon na mga pagkain. Sa gatas at diaper pa lang ng bata ay nauubos agad ang ibinibigay nitong dalawang libong piso.
Ilang buwan pa lang din siyang nanganak ay kumuha na siya ng mga labada para kahit papaano ay may pera sulang mag ina kung sakaling muli silang hindi uwian ng ama nito.
Matapos magsaing ay muli nitong sinilip ang anak na humihikbi na lamang.
'Marahil ay napagod na din sa pag iyak' bulong niya sa sarili at muling pumunta sa kabilang palikuran para ituloy ang paglalaba.
Dahil tahimik na ang anak nila, masaya niyang itinuloy ang paglalaba at hindi na napansin ang sinaing nito.
Ilang minuto ang lumipas at halos madapa siya nang maamoy niya ang nasusunog na sinaing.
Saktong pagpatay niya ay siyang dating ng kinakasamang sa itsura pa lang nito ay mukhang nakainom na naman ng alak.
"P*tang-ina kang babae ka! Wala ka na ngang ginagawa dito, nagsasayang kapa ng pagkain?!" agad na bungad nito sa kan'ya.
"N-Naglaba kasi ako tapos a-ayaw pa mag pababa ni F-Faye," nauutal na saad nito.
Natatakot siya na baka saktan na naman siya nito katulad ng lagi nitong ginagawa sa tuwing nakakainom ito.
"Ha! Iyong bata pala ang may kasalanan?! Nasaan ang bata na iyon at paparusahan ko!" padaskol na saad nito sabay lakad papunta sa batang muling umiiyak dahil sa pagsigaw ng ama nito.
Takot ang rumihistro sa mukha ng ina nang makitang naglalakad na papunta ang kinakasama sa anak nito.
Mabilis siyang tumakbo at hinarang ang katawan sa lalaki.
"Walang kasalanan si Faye, ako talaga yung may mali, wag mong saktan ang anak natin," nagmamakaawang turan nito sa lalaking lasing at namumula ang mata.
Bigla itong ngumisi at mahigpit siyang hinawakan sa braso.
"Ikaw pala! Halika! Paparusahan kita sa paraang gusto ko!" madiing saad nito habang nakasilay ang malademonyo nitong ngiti.
Alam na niya kung ano ang ibig nitong sabihin. Kaya ang tanging nagawa na lamang niya ay umiyak at umiling, nag babaka sakali na maawa ito sa kan'ya at hindi na ituloy ang balak nito.
Ngunit dahil sa kalanguan sa alak at ipinagbabawal na gamot ay walang habas na pinunit ng lalaki ang damit niya. Hindi ito naawa kahit anong tangi at iyak niya.
Dalawang malakas na sampal ang ibinigay sa kan'ya nito kaya naman halos matuliro ang kan'yang isipan. Nalalasahan na din niya ang sariling dugo na nanggagaling sa labi niya. Halos hindi na niya marinig ang iyak ng anak niya na nasa tapat lamang niya habang siya ay pilit na tinatanggalan ng damit ng kinakasama.
Agad na ipinasok ng lalaki ang ari nito sa kaniya nang tuluyan siyang mahubaran.
Wala siyang ibang nararamdaman kun'di sakit at pagkaawa sa sarili niya habang ang lalaking nasa ibabaw niya ay sarap na sarap sa paglabas pasok ng kaniyang ari sa lagusan niya.
Nahihiya siya dahil nakikita ng anak niya ang kababuyang ginagawa ng ama nito sa kaniya.
DAHAN-DAHAN siyang umayos ng upo matapos ang ilang beses na pangbababoy sa kaniya ng kinakasama.
Lahat ng katas nito ay itinanim sa kan'ya at walang sinayang.
Matapos naman mag ayos ng lalaki ay ibinato nito ang sira-sirang damit sa babae at naglakad papunta sa kwarto nito.
"Ubusin mo lahat ng sunog na sinaing diyan ha! Wala akong makikitang tira o tapon sa basurahan dahil kung hindi! Malalagot ka sa aking babae ka!"
Matapos nitong sabihin ay pabagsak na sinara ang pintuan.
AGAD akong napabalikwas ng higa habang patuloy na tumutulo ang luha galing sa mata.
Napanaginipan ko na naman ang isa sa mga masasamang nangyari sa akin.
Ilang buwan na akong nandito kila Mama, ilang buwan na kaming tahimik ni Faye at malayo sa hayop na lalaki na iyon pero napapanaginipan ko pa din at sariwa pa din sa akin kung paano niya ako babuyin at saktan.
Muli akong tahimik na umiyak dahil ayokong may makarinig sa akin na umiiyak ako dahil ako naman ang may kasalanan kung bakit namin naranasan iyon na mag-ina.
Araw-araw ko pa ding sinisisi ang sarili ko dahil hinayaan kong umabot kami sa ganon. Eto ata ang kabayaran sa pagpatay ko sa sarili kong anak.
Marahan akong nagpunas ng luha at pilit bumalik sa pagtulog nang makalma ko ang sarili ko.
"OH? Mag aapply ka ngayon ng trabaho?" tanong ni Papa nang makita ako nitong bihis na bihis.
"Opo, nakakahiya naman po na wala man lang akong naitutulong dito, pa," tugon ko.
Ngumiti lang ito at tinapik ang balikat ko.
"Ayos lang sa amin, ang mahalaga ay nandito kayo ng apo namin pero kung iyon talaga ang plano mo, hindi kita pipigilan basta maingat ka," bili nito sa akin na tinanguan ko lang.
"Salamat po, papa. Makikisuyo ho muna ako kay Faye, babalik din po ako kaagad," saad ko.
Matapos kong magpaalam sa kanila ni Mama ay umalis na ako ng bahay.
Malaki ang pasasalamat ko dahil tinutulungan nila akong itaguyod si Faye kahit pa ang dami ko ng ginawang kasalanan sa kanila.
Malaki din ang pasasalamat ko kay Camille ni Keith dahil sila ang tumulong sa amin para makaalis sa puder ni Lloyd kahit pa alam kong may iniwan akong malaking lamat kay Camille. Mabuti na lang at mahal na mahal siya ni Keith kaya hindi siya iniwan nito.
Speaking, ikakasal na pala iyon. Masaya ako para sa kan'ya dahil nahanap niya ang talagang para sa kan'ya. Nakikita kong mabuting tao si Keith umpisa pa lang, kaya nga naiingit ako sa kapatid ko noon pa dahil alam kong responsable si Keith.
ILANG establishment na ang napuntahan at napasahan ko ng resume pero ang lagi lang sabi ay tatawagan ako.
Naupo muna ako sa labas ng isang convenient store para magpahinga.
Kinuha ko ung tubig ko para uminom dahil ramdam ko na ang pagod.
Graduate ako ng college, degree holder pero hindi ako pwedeng mag apply as teacher sa private school dahil sa background ko at single mother ako. Ayokong sabihin na isa aking masamang ehemplo sa mga magiging estudyante ko kaya hindi ko muna magagamit ang napag aralan ko.
Habang nagpapahinga tumunog ang cellphone ko kaya naman agad ko itong kinuha dahil baka tinawagan na ako ng mga pinasahan ko pero hindi dahil pangalan ni Camille ang nakita ko doon.
"Uy bakit? May problema?" tanong ko dito na may pag aalala.
[Wala, ate. Tatanungin ko lang sana lung nasaan ka? Nandito kami sa bahay kaso wala ka daw] saad nito.
"Oh? Bakit naman? Nag aapply ako ng work, 'di ba nasabi ko na iyon sa iyo?" saad ko dahil alam ko siya ang una kong sinabihan.
[Alam ko, kaya nga pinuntahan kita dito! Saan ka ba? Sunduin ka namin ni JK, punta tayo Monticlari Enterprise!] masiglang saad nito.
Hindi na ako nag abalang itanong kung bakit basta sinabi ko na lang kung nasaan ako.
Halos kalahating oras din ang inantay ko nang makita ko ung kotse nila Camille.
Mabilis akong lumapit dito at binuksan yung pinto sa likod.
"Hi, Cai! Kumusta?" bungad na tanong ni Keith sa akin nang makapasok ako sa loob.
"Okay lang, medyo pagod," tugon ko na ikinatango nito. "Bakit pala tayo pupunta ng ME?" tanong ko na sa kanila.
"For your interview," saad ni Camille tapos tumingin sa akin.
Nanlalaki naman ang mata kong sinalubong ang tingin niya.
"Seryoso? Hala! Anong work? Teka! Amoy pawis pa ako! Wait! Hala!" usal ko sabay kuha ng salamin sa bag ko at tissue.
"Assistant/Secretary ni Miggy," nakangiting tugon ni Keith kaya mas nanlaki ang mata ko.
Nagpunas ako ng pawis at nag ayos ulit ng kaunti para maging presentable naman ako mamaya.
Kinakabahan ako dahil hindi mo sigurado kung makukuha ko kung paano magtrabaho itong brother-in-law ko pero sana tumagal ako dahil nakakahiya sa kanila na mag papasok sa akin.
Nakarating kami sa ME at sabay-sabay na kaming bumaba ng kotse.
Magkahawak kamay na lumakad iyon dalawa habang nasa likod lang naman ako.
Sumakay kami ng elevator at pinindot ni Keith ang pinakamataas na palapag.
Nakarating kami agad sa floor na pakay namin at mabilis na lumabas yung dalawa kaya sumunod na ako.
Agad na bumungad sa amin ang nakatayong si Sir Miggy na nakikipagusap sa asawa niyang si Nicole.
"tsk! Kalen! Doon ka na nga sa office mo! Parang sira ito!" saad ni Nicole sabay nguso.
"I don't want kung hindi ka kasama," rinig kong bwelta ni Sir Miggy kaya naman natawa iyong dalawa kong kasama.
"Grabe ka clingy naman nitong presidente na ito!"
Sabay na napatingin sa amin yung dalawa nang magsalita si Keith.
"Parang ewan iyan e," saad ni Nicole sabay tayo sa upuan niya.
Magiliw itong lumapit sa amin ni Camille at yumakap.
"Ay hala! Nakakahiya, amoy pawis ako," saad ko nang yakapin ako nito.
"Hindi naman po," magalang na sagot nito nang humiwalay sa akin at ngumiti.
Ang ganda talaga niya, unang kita ko pa lang sa kan'ya noong birthday ni Mama, gandang-ganda na ako, para siyang isang dyosang ibinaba sa para maghasik ng kabutihan. Ganoon! Goddess indeed!
Matapos ng yakapan na iyon ay humarap na kami kay Sir Miggy.
"Let's go inside," nakangiting yaya nito at hinawakan yung kamay ng asawa niya.
Ito na mismo ang nagbukas ng pinto para makapasok kami.
Pinaupo kami nito sa couch kung saan parang visiting chair sa office niya.
"Love, nandito na si Ate Cai. Hindi mo na ako assistant! Siya na," nakangiting usal ni Nicole nang makaupo kami. "Makakapagtrabaho na ako sa baba!"
Nakita ko naman na tinanguan ni Sir Miggy si Nicole.
"Yes, makakapagtrabaho na kami ni Cai sa baba," tugon nito na bigla ikinasimangot ni Nicole pero si Cami at Keith naman ay tumawa ng malakas.
"Hayop na, Miggy 'to!" singhal ni Keith habang natawa pa din.
Napangiti na lang din ako dahil sa closeness na meron sila.
Iba talaga pag totoo ang pagkakaibigan at pagmamahal, masaya.
Matapos ang tawanan na iyon, bumalik na ulit sila sa seryosong usapan at doon ko nalaman na naghahanap na pala si Sir Miggy ng bago at permanent na assistant/secretary dahil after ng wedding ni Keith, aasikasuhin na nito ang business nila.
"You can start tomorrow, Cai. If you have your documents with you, you can submit it to the HR Department today. I'll give you a document for that tapos pakita mo lang sa kanila iyon," saad ni Sir Miggy matapos ipaliwanag ang mga gagawin ko.
Walang ibang interview na ginawa, tinanong lang ako kung marunong ako sa mga basic application na ginagamit nila tapos ay tanggap na agad ako!
Mabuti na lang din at dala ko na yung mga documents ko kaya mapapasa ko na agad.
"Salamat po, aayusin ko po yung trabaho ko," masayang saad ko sanay tingin kay Cami na nakangiti sa akin. "Salamat," bulong ko sa kan'ya.
Kumindat lang naman ito at hinawakan yung kamay ko.
Agad akong sinamahan ni Nicole at Camille papuntang HR matapos maiprint yung document na ipapakita ko doon.
Sa lahat ng proseso ay nakabantay silang dalawa, pati sa pagpirma ko ng kontrata ay nakabantay din sila at masinsinang tinignan ang bawat detalye.
"Ako muna ang magtetrain sa iyo habang wala pa si Keithy. Pag iniwan kita at may tanong ka punta ka lang sa floor namin or tanong ka lang kay Kalen, sasagutin naman niya iyon," saad ni Nicole habang maglalakad na kami papunta ng office.
"Salamat a, malaking tulong ito para sa amin ni Faye," saad ko na ikinangiti lang nilang dalawa.
"Wala iyon, ate. Hangga't kayang tumulong dapat tumulong tayo. Hindi ka rin naman iba sa amin," malambing na usal nito kaya mas lalo akong napangiti.
Mamaya na ako magpapasalamat kay Camille sa lahat ng naitulong nila sa amin, sa akin.
Papasok na sana kami ng office nang bigpang humangin at sa hindi ko alam na pangyayari biglang may duming tumama sa mata ko kaya napuwing ako kasabay no'n ay may narinig akong nagsalita sa harap namin.
"Hi, Nicole at Camille," bati ng isang boses lalaki.
"Hi, Alikabok!" sabay na bati ng dalawang babae sa harap ko.
Alikabok? Yung mata ko may alikabok!
"Okay ka lang, Miss?" ahad umangat ang ulo ko sa nagsalita at nakita ko yung isa sa mga kaibigan nila Keith na ani nga ulit pangalan nito? Nakalimutan ko na. Basta siya yung makulit!
"Opo, okay lang ako. Napuwing lang po ng alikabok," saad ko at pilit inayos ang paningin.
"Good to hear! Welcome sa Monticlaro Enterprise! I'm Justin, by the way!"
----------