CAITH “SIGURADO ka na ba talaga na sasama ka kay Dustin?” Ayan ang apat na tanong ni Mama sa akin dito sa kwarto habang buhat si Faye. “Opo, ‘ma. Baka kasi panahon na din para magkausap kami ni Lloyd ulit. This time alam kong hindi siya under ng dr*gs kaya alam kong ma maayos kaming makakapag-usap a dalawa,” tugon ko sabay ayos ng tayo. Kakatapos ko lang magsuot ng sapatos at inaantay ko na lang na makarating dito si Ali, sabikasi niya ay papunta na rin siya dito sa bahay. Nakita ko naman na bumugot si Mama ng malalin na hinga bago tumingin sa akin. “Siya, sige! Kung iyon ang mas makakabuti sa iyo, kasama mo din naman si Dustin. Malai naman ang tiwala ko sa batang iyon kaya mag-ingat kayong dalawa,” usal niya na ikinangiti ko. “Opo, at’ska ‘ma. Dadaan naman po muna kami ng ospital

