Chapter 67

2241 Words

[MANDY] "Gising ka na," nakangiting sabi ko kay Aaron nang magmulat ito ng mga mata. Ako ang una niyang nakita at ngumiti rin siya sa akin. Ang cute talaga ng batang ito, wala sa itsura niya na isa siyang Devial. Kaya naman ang hirap din talagang isipin na may masamang balak ang batang ito sa akin eh. Napakaamo ng mukha niya para gumawa ng mga hindi kanais-nais na mga bagay. "Ate Nars..." Mahina ang naging pagtawag niya sa'kin pero masigla na agad ang mukha niya. "Tagal mo namang dumating..." Ginulo ko ang buhok niya. "Nandito na ako... Huwag ka na malungkot..." "Opo... Pero akala ko hindi ka pupunta rito..." Pinipigilan ko na lang talagang hindi umiyak. "Ano ka ba? Sa tingin mo ba matitiis kita? Saka ano ba ang nangyari sa 'yo ha? Bakit ka inatake nung Aurelio na yun? Totoo ba yun?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD