[MANDY] (1 year later) "Denzel, anak, ready ka na ba? Nasuklay mo na ba ang buhok mo?" tanong ko sa anak ko pagkalabas ko ng kwarto ko. Nakabihis na ako para sa lakad naming mag-ina ngayong araw. Nauna ko na siyang bihisan kanina bago ako maligo, at ako na rin sana ang magsusuklay sa magulo niyang buhok pero kanina ay nagprisinta siya na siya na lang daw dahil big boy na raw siya. Siyempre, natuwa naman ako doon. At nang lumabas ako ng kwarto, nagulat ako na maayos nga ang pagkakasuklay niya nang salubungin niya ako sa may hagdan. May pulbo na rin sa leeg niya, at maniniwala na sana akong siya ang gumawa noon sa sarili niya kung 'di ko lang nakita si Aldy sa may pinto na naghihintay sa aming dalawa. Halatang nagpipigil lang itong ngumiti dahil proud na proud pa kasing ipinakita sa akin

