Chapter 33

1463 Words

[MANDY] Naging maingay ang maghapon namin sa bahay dahil sa paghahanda namin para sa birthday ni Nanay kinabukasan. Sumama pa nga kami ni Dark kina Nanay para mamalengke ng mga gagamitin para bukas, at sa palengke pa lang pinagkakaguluhan na si Dark ng mga tao. Hindi ko naman masisisi ang mga tao rito dahil maliit lang naman ang bayan namin. Bihira ang may napapadpad na parang celebrity rito. Nakakailang nga lang kapag binibiro ako ng mga kakilala at mga kamag-anak ko na 'nakabingwit' daw ako ng isang malaking isda. As if naman hulog ng langit ang lalaking ito? Hindi na kami pinasabay ni Nanay pauwi ng bahay para raw maipasyal ko si Dark sa bayan. Natuwa naman si Dark dahil gusto niya raw maglibot-libot kaya dinala ko siya agad sa park sa tapat ng munisipyo. Ito 'yung tambayan ng mga ta

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD