JARED’S POV “Kapatid pala ni Larwin Ross ‘yung tinulungan nating babae sa hotel nung nakaraan, Bossing. Mukhang boyfriend niya ang kasama niya sa hotel…” Hindi ako matahimik matapos ipaalam sa akin ng isa sa mga tauhan ko ang tungkol sa babaeng inakala kong si Jen sa hotel noong nakaraan. Ni hindi ko siya nakilala dahil sa ayos niya. Her face was almost covered with her hair. And what the hell was she doing in a hotel with a guy?! f**k it, Larwin! Anong ginagawa mo at hinahayaan mo ang kapatid mong mag-check in sa hotel na may kasamang lalaki?! Iritadong-iritado ako noong araw na ‘yon na halos hindi ako makapagtrabaho ng maayos. Ilang linggo pa lang noong huli ko siyang nakita sa Cocktailify at inakala ko pang iyon ang unang beses na nakita ko siya ulit pagkatapos ng halos tatlong taon

