Dangerous

2047 Words

Nakatingin lang ako kay Jared Mijares matapos ang ginawa niyang pananakot kay Colt. Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula! Mukhang napansin niya ginagawa kong paninitig kaya ilang sandali lang ay narinig ko na ang tikhim niya kaya napatingin napakislot ako at tinigilan ang pag-iisip. “It's getting late. Hindi ka pa ba uuwi?” tanong niya habang diretso ang tingin sa akin. Napalunok ako at saka agad na luminga sa paligid para tingnan kung naroon na ba ang sasakyan ni Bossing, pero wala pa kaya binalik ko ang tingin sa kanya. “Uuwi na rin. May hinihintay lang ako dito,” sagot ko at saka napatingin sa phone ko. Wala namang text si Bossing kaya siguro ay parating na rin siya. “Who are you waiting for? Your boyfriend?” tanong ni Jared ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD