Dahil sa mga sinabi ni Jared sa akin tungkol sa multo na nakita ng may-ari ng bahay ay halos ayaw ko tuloy na umalis sa tabi niya maghapon! Inis na inis ako dahil hindi tuloy ako makaakyat sa kwarto para magbasa-basa sa mga dapat kong aralin para sa susunod na pupuntahan namin na wine tasting kasama si Mrs. Mozart. Madalas na kapag ganitong oras ay nagkukulong na ako sa kwarto at nag-aaral. Pero dahil sa sinabi ni Jared ay hindi tuloy ako mapakali at gusto ko na may palagi akong kasama! Sa halip tuloy na nasa kwarto ako at nag-aaral ng tungkol sa wine ay nandito ako at nakaupo sa sun lounger sa gilid ng pool at pinapanood si Jared na lumalangoy! Pagkatapos niyang maglinis ng sasakyan ay mukhang nainitan kaya naligo na lang sa pool. Inis na inis ako dahil wala akong magawa kung hindi ang

