Kagaya ng gusto ni Jared ay nag-stay ako sa unit niya sa Young Bucks Society Building hanggang sa araw ng flight ko papunta sa Italy. Habang nasa unit niya ako ay pumapasok siya sa Mijares Trine sa umaga at pag bumalik siya before lunch ay hindi na siya bumabalik sa opisina at sinasamahan lang ako sa unit niya habang inaaral ko ang mga dapat aralin bago pumunta sa Italy. Gano’n ang naging routine naming dalawa ni Jared hanggang sa natapos ang isang linggong break na binigay sa amin ng school para paghandaan ang internship namin. “Are you leaving early tomorrow? Why are you getting ready to sleep at this hour?” Tanong niya nang makitang sumampa na ako sa kama para maagang makatulog dahil maaga akong aalis bukas dahil sa school pa kami maghihintay para sabay-sabay na pumunta sa airport.

