“Jared…” Mula sa kung anong ginagawa niya sa laptop ay nag-angat siya ng tingin sa akin. Kanina ko pa pinag-iisipan kung ano ang isusuot ko sa event sa hotel. Founding anniversary ng hotel kaya may party mamayang gabi. Nagkataon din na rest day ko kaya wala akong excuse para hindi umattend sa party. “Mmm?” paungol na tanong niya nang lumingon sa camera para tingnan ako. Magdadalawang buwan na ako dito sa Italy at habang tumatagal ay hindi na gano’n kahirap dahil unti-unti na akong nasasanay sa routine at mga trabaho sa hotel. Marami na rin akong natutunan at sa tingin ko ay handang-handa na talaga akong magtrabaho sa corporate world. Hindi rin ako makapaniwala na sa susunod na buwan ay matatapos na ang internship ko at babalik na ako sa Pilipinas para asikasuhin naman ang nalalapit na g

