Pagkatapos ng nangyaring confrontation sa pagitan ko at ng mga co-scholars ko ay hindi na sila halos nakikipag usap sa akin kapag nasa apartment na. Syempre ay hindi ko sila pinapansin at ineenjoy ko na lang ang mga natitirang araw ko dito sa Italy. Sa isang linggo ay tapos na ang probationary period na tatlong buwan kaya babalik na ako sa Pilipinas. Wala pa ulit akong natatanggap na tawag mula sa foundation para kumpirmahin kung kailan ang balik ko sa Pilipinas. Mabilis lang na natapos ang isang linggo at nagkataon na last day ko sa hotel ay nakita ko doon ang pinsan ko at hindi siya nag-iisa. May kasama siyang lalaki at sweet na sweet silang dalawa! Umikot ang mga mata ko. Tatlong buwan pa lang ako dito sa Italy ay mukhang hiwalay na kaagad sila ni Jared! Sabagay! Wala namang nagtatag

