Kanina pa tumataas ang kilay ko habang nakatingin sa mga nasa loob ng closet ni Jared. Hindi ko alam kung paanong magpipigil ng inis at init ng ulo nang makita ang gamit sa isang parte ng walk-in closet niya. His collection of radio-controlled cars is insane! Halos mapuno ang isang estante ng likod ng walk-in closet niya at sigurado ako na hindi basta-basta ng presyo ng mga ‘yon dahil mukhang sa iba’t-ibang bansa pa galing! My brother used to collect radio-controlled cars too. Pero kasama ang mga ‘yon sa kinuha at ibinenta ng mga kamag-anak namin para sa mga loans daw ni Daddy na kailangan bayaran. Bumuntonghininga ako nang muling makita ang ilang box ng condoms, emergency pills, lubricants, other kinky stuff na hindi ko na pinagkaabalahan na hawakan dahil kung anu-ano lang ang naiimagi

