JARED’S POV “I am going to start investing in real estate…” Nilingon kaagad ako ni Larwin nang narinig ang sinabi ko. Lihim na napangiti ako dahil kitang-kita ko sa mga mata niya ang agarang iritasyon sa akin. We were in a bar and I purposely approached him here. Alam kong dito lang ako magkakaroon ng pagkakataon na makausap siya na hindi ako nag seset ng appointment. Ayaw kong isipin niyang hinahanap ko siya at nilalapitan dahil may kailangan ako. All hell would surely break loose if he found out that his father approached me and asked for my help. Noon palang na nag-aaral kami ay mainit na ang ulo niya sa akin dahil hindi niya ako matalo sa academics. Ayaw na ayaw niya na pangalawa lang sa akin kaya naisip kong gamitin ang galit niya para lang makuha ko ang atensyon niya at magpursigi

