Pansin na pansin ko na tingin nang tingin ang coordinator sa akin mula simula ng meeting hanggang sa natapos ito. Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa kung anong pinag-uusapan sa meeting dahil kinakabahan ako na i-open niya sa akin ang nangyari kanina. Baka mamaya ay magtanong pa siya kung kilala ko si Jared kaya niya ako pinaboran kanina! “Sa wakas, uwian na rin!” bulalas ni Avery nang tuluyang natapos ang meeting. Humarap siya sa akin at nagyaya na sabay na kaming lumabas kaya agad na tumango ako. Pero hindi pa kami nakakailang hakbang ay tinawag na ako ng coordinator at pinaiwan kaya napatingin si Avery sa akin. “Sige na, Avery. Mauna ka na. Baka gabihin ka pa sa pag-uwi,” nakangiting sambit ko. Sumulyap pa siya sa coordinator bago inilapit ang mukha sa tapat ng tenga ko. “Mag-inga

