Pagkatapos kong malaman na may girlfriend na si Bossing ay hindi na ako gano’n kadalas na nagchachat sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero normal lang naman siguro na mainis ako lalo na at aminado naman akong nagkaroon ako ng crush sa kanya kahit na hindi ko pa alam ang itsura niya! “Crush is only paghanga!” bulalas ko habang nakatitig sa phone ko. Kanina pa may message si Bossing sa akin dahil kabisadong-kabisado ko na ang oras kung kailan siya nagchachat sa akin. Alas tres ng hapon sa Pilipinas at doon naman sa United Kingdom ay alas syete ng umaga. Alas syete ang usual na gising niya at nagchachat na siya sa akin pagkagising niya. Pero kanina pa tumunog ang phone ko para sa chat ni Bossing ay hindi ko pa rin binabasa ang chat niya. Pakiramdam ko ay mas maiinis l

