Chapter 1

2358 Words
"Yen! Sigurado ka ba talaga? May tour pa tayo para sa mga book signing event after ng holidays. Bakit ka nagba-back out ngayon?" tanong sa akin ni Vida habang pinapanood niya akong magligpit ng gamit. Nung nakaraan ay natapos ang pasko ko sa isang hotel suite dahil umalis ako ng condo na walang dalang ibang gamit kundi 'yong nasa suitcase ko na dinala ko sa Cebu matapos ang nakakabasag na tagpo na nadatnan ko doon. "Nakapagpaalam naman na ako kay Boss, Vida," sabi ko sa kaniya, "Pinaintindi ko na sa kaniya ang dahilan ko. Buti nga at pumayag siya sa gusto kong mangyari… I… I really need to rest, Vida." Napakurap-kurap ako upang alisin ang luha sa mga mata ko na nagbabadya na namang tumulo. "Pero sayang naman. Hindi ba matagal mo nang pangarap na makasama sa mga tour? Pangatlong beses mo na sana ang mangyayari after holiday, sayang naman, Yen." Napabuntong-hininga ako at tiningnan ko si Vida. Mula pa noong pasko ay panay na ang iyak ko kaya nakapagtataka kung saan pa nanggagaling ang mga luha ko na hindi man lang nauubos. "Yen, why don't you think about it thoroughly? Kasi ako ang nanghihinayang sa opportunity. Exposure din 'yon, Yen. Kailangan mo 'yon para sa susunod na libro mo na ipa-publish." Napabuntong-hininga ako ulit at tiningnan siya. Ako man ay nanghihinayang rin sa opportunity. Pero sa estado ng pag-iisip ko ngayon, lutang na lutang ako. Magbabagong taon na nga pero hindi ko maalala kung paano ko tinawid ang mga araw mula noong pasko hanggang ngayon na December 30 na. "I really need time to rest, Vida." Pinilit kong ngumiti sa kaniya, "Babalik din naman ako kapag kaya ko na… H-hindi ko lang talaga kaya ngayon. Masisira ko lang ang mga event kung sasama pa ako na ganito ang sitwasyon ko." "Ano ba kasing nangyari? Nag-away ba kayo ng jowa mo?" Umiling ako. Higit pa sa away ang nangyari sa amin. "Eh bakit ganyan ka? Family problem ba?" Umiling ako at mabilis na pinunasan ang mga luha ko. Nakakainis nang umiyak. Paulit-ulit na lang. Wala man lang akong narinig na sorry mula sa kanilang dalawa. Parang binigyan ko pa sila ng pabor nang kusa akong umalis sa condo. Hindi man lang ako pinigilan ni Marvin. "Yen, pwede mo naman sabihin sa akin ang problema." Umiling akong muli at ngumiti sa kaniya. "Salamat, Vida. Pero kaya ko… kayang-kaya ko 'to." "Pwede kang mag-stay sa bahay ko if ever magkaaway kayo ng jowa mo. Maaayos niyo rin 'yan, Yen. Bigyan niyo lang ng space ang isa't-isa." I doubt that. Kung gusto ni Marvin na makipag-ayos, malamang noong lumabas pa lang ako ng condo niya ay hinabol na niya ako. Humugot ulit ako ng malalim na buntong-hininga. Tiningnan ko si Vida at muli akong ngumiti sa kaniya. "I have to go, Vida." "Yen…" Niyakap niya ako. Pinilit kong hindi maiyak. Nakakahiya namang maglabas ako ng sama ng loob sa kaniya, madalas kaming nagkikita dahil ka-trabaho ko siya pero hindi naman kami close. Wala akong matatalik na kaibigan, si… si Marvin lang. Siya lang ang matalik kong kaibigan simula noong highschool. Ibinigay ko kasi ang focus ko sa pag-aaral, sa career at kay Marvin ang buong atensyon ko. "Ingat ka. Kapag kailangan mo ako, wag kang mahihiya na tawagan ako. You know my number naman." "S-salamat, Vida." Lumabas ng publishing house at pumara ng taxi para magpahatid sa hotel room ko. Kailangan ko palang maghanap ng apartment na lilipatan dahil masyadong mabigat sa bulsa ang hotel. Kailangan kong magtipid dahil wala akong stable source of income sa ngayon at nakakahiya kung aabalahin ko pa sila Mommy at Daddy doon sa Canada, alam kong malaki ang ginagastos nila para sa pag-aaral ni Yoshannon doon. Nakakahiya naman kung manghihingi ako sa kanila. Nahiga ako diretso sa kama ko. Nakakapagod pala bumangon kapag hindi ka masaya. Nakakapagod makipag-usap sa mga tao kapag alam mong hindi ka nila naiintindihan. Nakakasawa rin palang makisama. Ano kayang pwede kong gawin ngayon para hindi ako magkulong dito sa hotel suite? Pagkatapos ng pagdiriwang ng bagong taon na lang ako maghahanap ng apartment. Sa ngayon, maghahanap na muna ako ng mapaglilibangan. Bumangon ako sa kama at kinuha ko ang cellphone ko tyaka ako nag-post sa social media account ko ng tanong. "Ano ang pwedeng gawing distraction kapag broken hearted?" I read my question before clicking the post button. Iniwan ko ang cellphone ko sa kama tyaka ako naligo ulit sa banyo. Ilang araw na talaga akong lutang at sabaw na sabaw. Tuwing naglalakad ako sa labas ay parang hindi ko maramdaman ang sarili ko. Tamang-tama naman ang oras ng tulog ko pero pakiramdam ko ay puyat na puyat ako. Pagkatapos kong maligo ay una kong tiningnan ang cellphone ko kung may sagot na doon ang mga followers ko. Most of my followers are my readers. May private account ako at meron ding para sa public kung saan ako nakikipag-virtual interaction sa mga readers ng libro ko. Hindi pa naman ako sikat na writer, ang social media accounts ko ay nasa two hundred thousand likes pa lang. Nagsusulat ako ng mga one-shot story as my marketing strategy for my printed books. May mga libro din ako sa online reading platforms pero hindi ko 'yon tinatapos, parte lang din ng marketing strategy, para i-promote ang stories ko, sample lang bale ng mga gawa kong stories. I was given by my parents an opportunity to take a degree in college that majors in creative writing. Pero ayaw ni Marvin ng LDR kaya naman pinalagpas ko na lang ang opportunity at nag-take na lang ako ng bachelor's degree in secondary education major in english. To make it clear, I'm a licensed english teacher, pero ang pagsusulat ko ang pinili kong i-pursue. Now that I think I couldn't write in this state, I'm considering applying to some private schools to practice teaching. Pag-iisipan ko pa lang dahil baka hindi ko rin kaya. "Magbakasyon po, Miss Yen, to forget things po," I read the first comment that got my attention. Saglit akong napa-isip doon. Pwede naman… pero holiday kasi, sigurado akong maraming tao sa mga lugar na bakasyunan ngayon. "Sampalin… ng h-hard ang nagwasak... ng puso mo, Miss Yen." Mahina akong natawa. Sobrang silly. Mahilig talagang magbiro ang mga readers ko. Well, I already slapped—him. I don't think that would count as a distraction. "Uminom… ka na lang po. Sagot ko na ang empi." Uminom? Hindi ko pa yata naranasan malasing at uminom sa buong buhay ko. Is that even effective? That exists in movies and books. Para makalimot ang mga characters ng isang story, pumupunta sila sa mga bar at nagpapakalasing sila doon. Napaisip ako saglit. Maybe I should try this. For experience na rin. I wanna know if this is effective. Dahil doon ay naghanda agad ako ng damit para mamayang gabi. Hindi ko alam kung anong dress code sa mga bar o kung may ganoon nga ba doon. Since I've done my research about it because of my job, pinili ko ang isang itim na dress na hanggang sa hita ko ang haba. This is for me, to forget even just for a short time. Kung pwede lang tanggalin sa isang bagsakan ang sakit, pagsisisi, panghihinayang at pagmamahal, ginawa ko na. Natulog muna ako bilang pampalipas ng oras dahil masyado pang maaga para maghanda. Nang magising ako ay naligo ako ulit bago nagbihis para makapunta na ako sa bar. Kumakagat na ang dilim, tama na siguro para pumunta doon. Inayos ko ang buhok ko at naglagay ako ng kaunting make-up para hindi naman ako maputla. Pagkatapos kong maghanda ay tyaka ako bumaba at kumain muna sa restaurant sa baba dahil oras na ng hapunan. Pumara ako ng taxi paglabas ko ng building at agad nagpahatid sa Barista, that's the name of the bar. Ito ang pinakamalapit na bar sa hotel kaya ito na ang pinili kong puntahan. Hindi rin kasi ako pamilyar sa mga sikat na bar dito palibhasa di naman ako mahilig sa mga ganito. I checked the time before I entered the bar. It's quarter to eight na. Nang nasa bungad na ako ng bar ay bigla akong nagdalawang-isip. Mula sa labas kasi ay nakikita ko kung gaano karami ang tao na naroon sa loob. "Maam?" tawag sa akin ng isang lalaki, mukhang bouncer yata ng bar. "Sorry po, Kuya," sabi ko nang makita kong nakaharang ako sa mga taong papasok ng bar. Kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang pumasok na lang sa bar. Panay ang pagngiwi ko nang makita ko ang napakaraming kulay ng ilaw. Lahat ng mga nasa table ay nagkakatuwaan, halatang nag-e-enjoy sa lugar. Nilingon ko ang dance floor, sobrang daming sumasayaw doon. Sa lakas ng tugtog, sumasabay ang t***k ng puso ko doon. Naghalo na rin ang amoy ng mga alak at pabango, siguro dahil centralized ng aircon ang lugar. Paano ako mag-e-enjoy sa ganitong klaseng lugar? Sobrang gulo. Tama pala ang nababasa ko sa mga libro at napapanood ko sa mga pelikula. Nakita ko ang mahabang bar island malapit sa dance floor. Nakakita ako ng high chair kaya doon ko napagdesisyonang pumwesto. Napalunok ako ng sarili kong laway nang mas lalong lumala ang mga nakikita ko. Akala ko ay mga nagkakatuwaan lang ang pumupunta rito, ngunit napagtanto kong mali pala ako nang makita ko ang tatlong babae na mukhang lasing na at umiiyak sa may di kalayuang table. Inilibot ko pa ang paningin ko at nakakita pa ng iilan na ganun. Ngunit ang ikinalaglag ng panga ko ay ang mga naghahalikan sa sulok. Parang tinalian ang dibdib ko ng sobrang higpit, napapalunok, kabado at nag-aalala sa sasapitin ko dito ngayon lalo pa't mag-isa lang ako. "Maam, ano pong gusto niyong inumin?" tanong ng isang lalaki. Natulala ako saglit, hindi ko alam kung ano ang i-o-order kong ma-i-inom. Meron ba silang juice dito? Soda? o di kaya ay tubig? Iced tea? "Give her a drink like mine, please." Nanlaki ang mga mata ko nang isang lalaki mula sa likod ko ang sumagot, baritono ang boses ngunit hindi ko magawang tingnan ang mukha, nakakahiya. Umupo siya sa tabi ng high chair ko. "My treat." "H-hindi na," pagtanggi ko sa alok niya, "A-ako na ang magbabayad." Ibinigay ng lalaki ang isang baso ng alak sa akin. Kinuha ko 'yon at tiningnan. "Drink," narinig kong sabi ng lalaki, "Everyone are enjoying the moment. Newbie?" Inamoy ko ang alak sa baso, hindi naman matapang ang amoy kaya diniretso ko ang pag-inom agad ngunit agad sumama ang mukha ko nang malasahan kung gaano katapang 'yon. Gumuhit ang maanghang, na mapait, na matamis at mapakla sa lalamunan ko. Anong klaseng alak 'yon?" "Are you new here?" "Oo," sabi ko sa kaniya bilang sagot bago binalingan ulit ang bartender at humingi ulit ako ng parehong alak. "Enjoy then," sabi niya tyaka niya inilapit ang baso niya sa baso ko at pinatunog 'yon, "See you around." Sinundan ko siya ng tingin nang umalis siya. Ipinagpatuloy ko ang pag-inom ng alak na hindi ko alam kung ano ang tawag. Sa ikatlong order ko, pakiramdam ko ay nag-iinit na ang buong katawan ko. Para akong namanhid ngunit muli pa akong um-order. Medyo nararamdaman ko na ang pag-ikot ng paningin ko. Siguro ay ito na ang tinatawag nilang tipsy. "Hey, Miss. Alone?" Bigla akong napalingon sa lalaking nagmamay-ari ng napakalalim na boses, lalaking-lalaki. Tiningnan ko siya at pinanood na umupo sa katabi ng highchair ko. "Attorney, anong atin?" narinig kong sabi ng isang lalaki. "The usual, please." Tumingin siya sa akin at ngumiti. Hindi ko napigilang mapatingin sa mukha niya. Agad humanga sa kinis ng mukha niya at sa mga pilik-mata niya, "Who is with you, Miss?" Umiling ako at ngumiti sa kaniya, "I'm alone." "Hmm… I see," sabi niya tyaka kinuha ang baso ng alak na ibinigay ng bartender, sinimsim niya 'yon na para bang isang wine. Ako naman ay tinungga sa isang bagsakan ang ikaapat kong order. "Woah! Miss, easy!" nagulat na sabi niya nang makita 'yon. "Are you in a hurry to get drunk?" Nakita ko ang pagbasa niya ng mga labi niya. Hindi ko alam kung epekto ba ng alak ito, pero sobrang gwapo niya sa paningin ko, nakakahanga ang buo niyang mukha, lalo na ang katawan niyang hindi naman mataba at mas lalong hindi payat. "Stop staring… I might think that you want to kiss me." "Paano kung gusto ko nga?" naghahamon kong sabi sabay ngisi. Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob na sabihin 'yon. "You should dance to loosen up," aniya at tumayo, "Let's go. Let's dance!" Sino ba ang lalaking 'to? Para siyang anghel. Nang tumayo siya ay tyaka ko lang napansin kung gaano siya katangkad. Hanggang leeg niya lang ako. Sobrang linis ng pagka-puti ng balat niya at napakatangos ng ilong niya. Ang suot niyang puti na crew-neck t-shirt ay bagay na bagay sa kaniya. Sobrang gwapong nilalang. Siguro ay ibinagsak siya dito sa lupa dahil nagiging dahilan siya para makagawa ng kasalan ang mga kababaehan. Napansin kong nakihalo kami sa mga tao sa dance floor. May ilan akong nakikitang sumasayaw ng sobrang likot, may ilang simple lang na tanging pagkaway lang at pagtalon ang ginagawa at may iba namang naghahalikan lang at hindi sumasayaw. "Dance," aniya habang seryusong-seryuso ang pagkakatingin sa akin. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa bewang ko, iginigiya niya ang bawat galaw ng bewang ko, "You're pretty, do you know that?" Sobrang lakas ng tugtog ngunit narinig ko pa 'yon mula sa kaniya. Maganda? Maganda pero niloko pa. Maganda nga ba talaga ako? Nagsimulang tumulo ang luha ko nang maalala ko bigla kung bakit nga ba ako nandito at hindi sa condo na kinasanayan ko nang tambayan tuwing ganitong walang trabaho. Naramdaman kong hinila niya ako palapit sa kaniya. Doon ko naramdaman ang katawan niya na dikit na dikit sa akin. Automatiko kong iniyakap ang mga braso ko sa leeg niya at kasunod nun ay naramdaman ko ang mainit na mga labi niya na gumagalaw upang tikman ang mga labi ko. Tama ba 'tong ginagawa ko? Tama ba ang desisyon ko na pumunta dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD