“Noah, are you sure? Hindi kita pinipilit ayokog isipin mo na-” Nahinto ako nang yakapin niya ako nang mahigpit. Muntikan na kaming mawalan nang balanse dahil dumamba siya sa akin. Napayakap na lang ako pabalik sa kaniya at nagsalubong ang kilay ko, nagtataka sa kaniyang kilos. “Ayos lang po sa akin ate kahit hindi ako kasama. Makarating lang po kayo nang ligtas ay sapat na.” bulong niya sa tenga ko, tila, nakiki-usap sa akin na kuhanin namin ang libro at makabalik kami rito. “I promise.” saad ko at hinalikan ko ang gilid ng noo niya. Nanatili muna kami sa ganitong posisyon nang ilang minuto. Maya-maya ay lumayo na siya sa akin. “Tara na po ate, haharapin ko na po sila.” ngumiti siya sa akin. Nag tagal saglit ang tingin ko sa mukha niya dahil nakikitaan ko nang lungkot sa mga ma

