Biglang nagkaroon ng liwanag sa utak ko at may ideya akong naisip. Dinilat ko ang mata ko at lumuhod ako sa lupa. Ramdam kong napatingin sila Range sa akin at pinilit nila akong tumayo. “Jadey, what are you doing?” bulong ni Laina. Hindi ako nagsalita. Sa halip ay nag focus ako sa hinahanap ko. Mabuti na lang at naalala ko si Noah, kung hindi ay baka pare-parehas kaming makulong dito at torturin ng mga tao. “I know there’s a switch here somewhere…” bulong ko habang kinakapa ang maduming lupa. Noah knows a lot of traps, and I know there's a switch here. “Ate.” Jax muttered anxiously, waiting for me. “I got it!” napasigaw ako nang may nakapa akong maliit na bakal at pinindot ko ito. Nakita kong kinalabit ni Rik ang gatilyo ng baril niya habang nakatutok sa akin ang nguso nito. Kasabay

