Chapter 13: Start of Condominium Arc

1822 Words

Kumunot ang noo ko at napatayo na ako. Biglang kumulo ang dugo ko dahil tumaas ang kaniyang boses sa akin. "What's wrong with you? Parang kanina lang ay wala kang tiwala sa kanila at gusto mo silang patayin. Why the sudden change of heart?" "What?" napataas siya ng kaniyang kamay at napahilamos siya sa mukha. "What's wrong with you ate? Kanina you're okay with them, ngayon ayos lang sa'yo na madisgrasya sila?" "Hindi sa ganon!" napasigaw na ako ng malakas dahilan para matigilan siya at hindi makapaniwalang pinagmasdan ako. Dahan-dahan akong naupo sa upuan dahil biglang nanghina ang mga tuhod ko. Napasapo ako sa mukha ko at dito ko binuhos ang nararamdaman ko. Hindi ko na alam. Para akong nawawala sa aking katinuan. Parang may bumubulong sa akin na hindi na magiging ayos ang lahat.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD