Dalawang linggo na ang lumipas mula nang magkita ulit kami ni Theo. At dalawang linggo na ring laging may bouquet para sa akin. Nakakatawa dahil galing pa talaga iyon sa flower shop ni mama. Special delivery pa dahil mga kapatid ko lagi ang nagdadala. Walang card na kasama, at kapag nagtatanong ako kay mama o sa mga kapatid ko ay ngiti lang ang isasagot ng mga ito sa akin. Sabagay kahit na hindi naman ako magtanong may hula na ako kung kanino galing iyon. Pero sa tuwing naiisip ko ang dahilan kung bakit hindi kami pwede ay nalulusaw bigla ang tuwa sa puso ko. We are siblings for heaven sake! Kaya dapat na itong putulin habang maaga pa lang. Ilang taon na ang lumipas at parang bumabalik na naman kami sa nakaraan. Ayaw ko ng bumalik ang sakit, ayaw ko ng umiyak ulit sa dahilang hindi ka

