After a year of working hard nagbunga rin ang pagod at pagsisikap ko. I was promoted as a head manager sa hotel kung saan ako nagtatrabaho. Hindi pala biro ang kumita ng pera at talagang pahahalagahan mo ang bawat sentimong lalabas sa bulsa mo dahil hindi biro ang gastusin dito sa Italy. Masaya ako sa takbo ng buhay ko dito sa ibang bansa. Malaya akong nakakagalaw ng walang camera sa paligid. Napupuntahan ko ang mga lugar na gusto kong puntahan at malayang gawin ang mga bagay na gusto ko na hindi inaalala ang image ko. Simula nang umalis ako ng Pilipinas ay hindi pa kami nagkakausap ni daddy. Hindi pa ako handang harapin siya, masama pa rin kasi ang loob ko sa kanya. Pinapatay ko ang isip at katawan ko sa pagtatrabaho para lang hindi ko maalala si Wendy. Gusto ko siyang kalimutan at pa

