Prologue

1310 Words
"Hija," mahinahong wika ni Mrs. Vallejo. "Hindi ako masamang tao. Pero nais ko sanang humingi ng pabor sayo. Layuan mo ang anak ko. Alam kong hindi madali dahil naibibigay ni Ridge ang mga pangangailangan mo. Pero nakikiusap ako... malaking responsibilidad ang nakapatong sa mga balikat ng anak ko. Siya ang tagapagmana ng Vallejo Group. Alam mo ba kung gaano kalaki ang Vallejo Group? Kaya mo bang sabayan si Ridge? Matutulungan mo ba siya sa pamamalakad sa mamanahin niyang responsibilidad?" Nanginginig ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Mrs. Vallejo. Pilit kong nilalakasan ang aking loob kahit na nagbabadyang tumulo ang aking mga luha. Napakasopistikadang tao ni Mrs. Vallejo. Maamo ang kanyang mukha at malambing ang kanyang boses. Lalong lumabas ang kanyang kaputian sa suot na kulay yellow na tweed dress. Siguradong isang designer dress na hihigit sa isang daang libong piso... na kahit kailan ay hindi mabibili ng isang hampaslupang katulad ko. "Ulila ka na, hindi ba, Ena? Hindi ka rin nakapagtapos sa kolehiyo. Nagtrabaho ka sa isang maliit na restaurant to help with your family. Tama ba?" "P-paano niyo po nalaman?" "Ena," ani Mrs. Vallejo. Umayos muna siya ng upo bago nagsalitang muli. "I have the means to know everything about you. And you've been homeless for over two years, hindi ba?" Pakiramdam ko ay binabasa ni Mrs. Vallejo ang istorya ng buhay ko sa aking mismong harapan. Tumulo ang ilang butil ng luha ko dahil ngayon lamang ako nakaramdam ng pagkapahiya ng ganito. "I'm not trying to degrade you, hija. I'm sorry if I sounded offensive. But reality wise, Ena. What can you offer to my son?" Tuluyang nagsibagsakan ang mga luha ko. Alam naman naming pareho ni Mrs. Vallejo ang kasagutan. At iyon ang masakit para sa akin. "Do not blame yourself. No one has ever wanted a cruel life. Our lives are hell too. Kanya-kanyang mga problema at pagsubok. But in our case, alam kong alam mo ang mangyayari sa huli," ani Mrs. Vallejo. "Ena, you can't be with my son. He " "Ma'am..." hindi ko na napigilang mapaiyak nang sambitin ko iyon. Nanginginig pati ang boses ko dahil sobrang sakit para sa akin na ganito ang magiging kahihinatnan ng lahat. "Mahal ko po si Ridge. Alam kong iniisip ninyo na pera lang ang habol ko sa kanya. Pero nagkakamali po kayo." Ngumiti si akin si Mrs. Vallejo. Bakas sa kanyang ngiti ang simpatya. "Ena, sa mundong ginagalawan ni Ridge, hindi sapat ang pagmamahal. Alam kong naiintindihan mo iyon." Hindi ako nakaimik. Patuloy lamang sa pag-agos ang mga luha ko. Nanlulumo ako dahil sa sitwasyon at dahil sa kalagayan ko. Lumaki ako sa mahirap na pamilya kaya mamamatay rin akong mahirap. "Ma'am, alam kong masahol pa ako sa mahirap dahil napulot lamang ako ni Ridge sa lansangan. Pero..." Hindi ko na natapos pa ang aking sinasabi nang marahas na binuksan ni Ridge ang pinto ng meeting room dito sa kanilang kumpanya. Lumapit si Ridge sa akin at hinila ang kamay ko. Wala na akong nagawa pa kung hindi ang magpatianod sa paghila niya sa akin. Tumigil si Ridge sa tapat ng pinto ng meeting room. "Thanks for visiting, Ma. I appreciate your presence and unsolicited advice you gave to my girlfriend. Now leave." Pagkasabi niyon ni Ridge ay tumayo si Mrs. Vallejo at lumapit sa amin ni Ridge. "I hope you wake up from this, anak. And to you, Ena," ani Mrs Vallejo. "I'm sorry that you have to go through this. Matatanggap mo rin kalaunan." "Ma," Ridge warned. Tiningnan ni Mrs. Vallejo ang kanyang anak bago siya tuluyang lumabas ng meeting room. Binawi ko ang aking kamay na hawak ni Ridge na kanyang ipinagtaka. Idinistansiya ko ang aking sarili palayo sa kanya. "Ena, don't listen to my mother." "Tama naman ang mama mo, Ridge. Anong mapapala mo sa akin? Anong maitutulong ko sa iyo? Isa kang tagpagmana ng isang malaking kumpanya. Salamantalang ako? Isa lamang akong hamak na palaboy na nakita mo sa lansangan. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Anong magagawa ko para masamahan kita sa mga tungkulin mo bilang heir ng Vallejo Group? Magiging isang kahihiyan mo lamang ako," naiiyak kong sambit kay Ridge. Ridge looked hurt and I can't blame him kung sumama man ang loob niya sa sinabi ko. "Whatever my mom has said to you, don't think about it," aniya habang nagtatagis ang kanyang panga. Ngumiti ako ng mapakla habang tulala. "Mabuting ina ang mama mo, Ridge. Sino bang ina ang magnanais ng hindi maganda para sa kanyang anak? Naiintindiihan ko ang mama mo." Tiningnan ko si Ridge. Puna ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Marahil ay hindi niya inasahan ang aking mga sinabi. "You can't leave me like this. I won't allow you to." Nilapitan ko si Ridge at hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi. Hinaplos ko ang mga iyon gamit ang aking mga hinlalaki. He closed his eyes and savored my touch. "Ridge, mahal na mahal kita. Pero kailangan nating sundin ang kapalaran mo." "Yes, baby. Can't you see? I'm following you." "Hindi," wika ko. "Hayaan mo lang ako." "What?" Hinalikan ko ang labi ni Ridge bago magsalitang muli. "Hayaan mo lang akong patunayan ang sarili ko. Gusto kong maging karapat-dapat para sayo. Alam kong hindi ganoon kadali. Pero dahil sayo, nagkaroon muli ako ng rason para mabuhay at patunayan rin sa sarili ko na kaya kong tumayo ulit. Pero kung sa huli ay hindi pa rin ako matanggap ng pamilya mo... at least, ginawa ko ang makakaya ko hindi lang para sayo kung hindi para sa sarili ko na din." Napangiti si Ridge sa sinabi ko. He looked satisfied and relieved. That reaction was all I ever wanted at this moment. "You know how much I love you, right?" he asked in a husky tone na nagpatindig sa aking mga balahibo. Ngumiti lamang ako bilang sagot. Inilapit ni Ridge ang kanyang mukha sa akin at hinalikan ng marahan ang aking labi. "What if I make you pregnant right now? Para wala ka nang kawala?" "Ridge!" saway ko at saka humagikgik. "Parang wala rin akong pinagkaiba sa mga babaeng--" "You're different, baby. Gusto na kitang an*kan right here, right now. Let's make a baby." Siniil ng halik ni Ridge ang aking mga labi. Tinugunan ko ang bawat hagod ng kanyang malambot na labi ng kaparehas na pananabik niya sa akin. "T-teka, baka may pumasok..." nanghihina kong wika habang pababa ang kanyang mga halik sa aking leeg. "Let them watch if somebody tries to come in," aniya. Ganito ba siya kabaliw sa akin? Wala siyang pakialam kahit may makakita sa amin na gumagawa ng milagro. Napapikit ako ng mariin nang bumaba ang kanyang labi sa aking dibdib habang ang kanyang isang kamay ay pinisil naman ang kabila kong dibdib. Pabalik ang labi ni Ridge sa labi ko nang may kumatok sa pinto ng meeting room. Naitulak ko kaagad si Ridge dahil sa gulat. Hindi na naghintay pa iyong taong kumatok na pagbuksan siya ng pinto. Kusang pumasok ang isang napakagandang babae na animo'y isang modelo. Pula ang stilletos niya. Napakahaba ng kanyang mga magagandang biyas at nakasuot ito ng itim na semi formal dress. Napakaganda ng kanyang kulay copper brown na mahabang buhok lalo na ang kanyang mukha. "Hey, Ridge. It's been a while," nakangiti niyang bati kay Ridge. Napakunot ang noo ko nang lapitan niya si Ridge at ayusin ang nagulong kuwelyo at necktie nito. "Seems like you're doing something you haven't done before with this... girl." Patama niya sa akin nang tapunan niya ako ng tingin. "Well, let me introduce myself. I'm Francesca Samara Mendez. Ridge's fiancee." "Chesca," Ridge warned her. Nginitian lamang ako ni Francesca. "Don't worry, as Ridge's secretary, I'll give you an invitation card to our wedding. And please, make our guests feel welcomed in our upcoming wedding, okay?" nakangiting wika ni Francesca sa akin. Natuod ako sa kinatatayuan ko. A-anong ibig sabihin nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD