Prince's POV:
THAT MORNING...
I went to the dining room.
I saw Lolo, already having his breakfast. He is reading a newspaper while taking a sip of coffee from his cup.
I broke the silence as I sat down.
"Lo,why did you do that? You've found me a wife that's from a low-class kind of family? You should've just told me sooner. Sana ako na lang pinaghanap niyo para mas higit pa dun sa babaeng yun ang nakuha ko."
Nakita kong tumingin si Lolo sa'kin.
"Watch your tongue, little Prince! Hindi kita basta-bastang ipapakasal sa kung sinu-sino lang. I know what kind of family she has. And I know her grandfather."
"Spare me, Lolo. Hindi ako naniniwala. Yung inasal pa lang nung babaeng yun kahapon, halatang hindi maganda ang ugali. Baka mamaya niyan gold digger ang pamilya niya. Where did you even met the old man? I've never seen him before."
Umiiling si Lolo at seryoso na ang mukha.
"Don't talk like that, hijo. Baka sa bandang huli magsisi ka sa lahat ng mga pinagsasabi mong iyan. I know her family isn't like that. I have connections. Remember? Kaya alam ko kung sino ang pwedeng manloko sa akin at kung sinong hindi."
"Still, hindi n'yo pa rin dapat ako ipinakasal sa kanya. Ano bang kasalanan ko at ginawa n'yo yun?"
"Someday you will understand why I did that. Baka pasalamatan mo rin ako kapag dumating ang araw na iyon. But for now, kilalanin mo muna siya."
"No, I will never understand you. At hindi ko rin gugustuhing makilala pa siya. She's just a nobody. I'll make her life miserable and regret that she accepted your offer on marrying me."
"We'll see, apo. For now entertain her first. Tour her around the school. And one thing, hindi pa alam sa school n'yo na kasal kayo. For private reasons. Kaya kapag may nagtanong at nakitang lagi kayo magkasama make an alibi. I don't want to hear any rumours now."
"Oh, don't worry, Lo. Hindi ako lalapit sa kanya at wala akong balak lumapit sa kanya. I'm leaving. Nawalan na ako ng gana."
Tumayo na ako para umalis.
"Sandali. Hintayin mo muna si Ellie." Lolo called one of our maids and asked her. "Nasaan na si Ellie?"
Do I really have to wait for that girl? I thought this old man doesn't want to start rumours? Wouldn't that create a rumour if I came to school with that girl?
"Master, ang alam ko po pababa na po siya. Sandali lang po. Iche-check ko lang po."
Our maid checked her in her room.
"Lo, I thought you don't want any rumours? Bakit balak mo pa yata kaming pagsabayin?"
"Yes. Pero ang ibig kong sabihin huwag n'yo muna ipapaalam na mag-asawa kayo. Just tell them that Ellie is your personal secretary. Understood?"
"Personal secretary? But I don't need one, lo."
"As I've said, you will only tell them that she is your personal secretary. Not making her one. Hindi ka ba nakakaintindi?"
Just my luck!
"Yes, lo."
I will really make that woman suffer.
"Master, wala na po sa kwarto niya si Miss Ellie. Nakita po siya ng driver ni young master Prince na lumabas na po ng gate. Baka po nauna nang pumasok."
"Okay, sige. Baka nga." Sabi ni lolo.
"Go to school now Prince. Baka ma-late ka pa. And one more thing, dapat kasabay mo ng uuwi si Ellie mamaya."
"Wait, young master. Kay Miss Ellie po yata ito. Pambabae kasi. Naiwan po." Kulay pink na wallet yung ipinakita sa'kin ng maid.
"Where did you get this?"
"Diyan po sa may table sa sulok."
Hinanap ko yung tinutukoy ng maid. Malapit lang ito sa dining area kung saan kumakain at nag-uusap kami kanina ni lolo.
So, I guess she heard it everything. Baka kaya siguro siya umalis at nauna na sa'kin. Well, it's better that she knows. Para hindi na ako mahirapang magsabing ayaw ko sa kanya.
"Take it Prince and give it to her personally. Kawawa naman siya, baka walang dalang pera."
I didn't answered back. I just walked straight to the car at sinabi ko sa driver ko na aalis na kami. Ano pa nga ba magagawa ko?
Pag labas namin ng gate nakita ko siyang pasakay ng taxi.
Stupid! Ano ibabayad niya dun? Hindi niya siguro alam na naiwan niya wallet niya.
~***~
Ellie's POV:
Ang kapal talaga ng mukha ng mayabang na yun!!! Kala mo ha? May araw ka talaga sa'kin! Itatatak ko sa bungo ko yun!!!
Naglakad na ako palabas ng bahay para pumasok na. Kala mo kung sinong gwapo! Haist!
Natigilan ako sa paglalakad nang mapansin ko ang paligid.
Oh my Golly! Ano itong nakikita ko?! Ang lawak naman ng hardin! Tunay ba ito? Sa pangmayayaman lang ito ah.
Tinuloy ko pa rin pagsipat sa paligid nang mapalingon na ako sa likod ko kung nasaan yung bahay kung saan ako lumabas. Dumoble yung pagkamonalisa ko!
Grabeeeee! Ang laki talaga ng bahay! Mansyon ito ah? Sobrang laki talaga.
Hindi ko kasi ito nakita kagabi kasi gabing-gabi na nga kami dumating. Kaya pala ang laki din ng kwarto ko.
Habang nag-lalakad napapansin kong mga sampung minuto na ako sa daan, hindi ko pa rin nararating ang gate.
Ay grabe! Ano ba ito ang layo naman ng lakaran. Nakakapangsisi naman itong ginawa ko.
Bale mga labinlimang minuto pa ang inilakad ko hanggang sa narating ko din ang gate.
Sapo ko ang dibdib ko. Hiningal ako dun ah. Grabe! Ang tagal ko ring nilakad ang daan papuntang gate ah. Whew! Kapagod wala pa naman akong dalang tubig ngayon. Bili na lang ako sa canteen pagdating ko ng school.
Time check, 08:20 am.
Naku! Baka ma-late ako nito. Teka, paano nga ba pumunta ng school? Hindi ko alam daan papunta dun ah.
Maya maya pa'y may nakita akong taxi. Pinara ko kaagad ito.
"Manong alam niyo po ang daan papuntang Princeton University?"
"Oo, hija. Sasakay ka ba?"
"Ah, opo manong."
Sumakay na ako at umalis na kami.
Mga fifteen minutes lang yung byahe namin at nakarating na kami sa school.
Ay grabe talaga! Mas mahaba pa yung oras ng paglalakad ko kaysa sa ibinyahe ko. Kung alam ko lang talaga naku!
"Hija, ito na yun. Bago ka lang ba dito kaya hindi mo alam? Lagi kasi ako dito dumadaan."
"Ah, opo eh. Transferee po ako. Ito po bayad, manong."
Kumapa ako sa bulsa ng damit ko ng seventy pesos. Yun ang rate sa metro niya eh. At kinuha na niya yung bayad ko. pagkatapos ay umalis na siya.
"Hi, new school! Please be good to me."
Crossfingers!
Pumasok na ako sa loob ng campus. Ano ba 'yan? Wala na bang katapusan itong paglalakad ko? Kanina, dun sa bahay na malamansyon nila Lolo Gregory. Ngayon, dito sa University. Ang aga-aga, ang sakit na kaagad ng paa ko.
Nagmadali na akong maglakad para makarating na ako sa classroom.
Blaaaaag!!!
Ano na naman ba?! May bumangga na naman sa akin.
SYETE ka!!! Muntik na akong mapaupo. Buti na lang at naagapan ko paningbang ko. Kung hindi, mapapaupo na naman ako katulad nung eksena ko kay mayabang.
"Opps! I'm so sorry, miss. I'm in a hurry."
At patakbo na ngang umalis yung babae. Ay, naku ka! Pasalamat ka at bigla kang umalis. Kung hindi, masesermunan pa kita. Napakamalas ko naman talaga! Kahapon pa ako binabangga ah!!!
Haist! Makapunta na nga lang sa klase ko. Naku, paktay! Hindi ko pa nga pala alam kung saan ang room ko. Ano ba yan? Si mayabang kasi pahamak!
Ayun may nakita akong guard baka alam niya ito.
"Manong maganda umaga po. Pwede niyo po ba ituro sa akin ang room na ito?"
Tiningnan nga ni manong yung papel ko.
"Ah! You see that girl that entered the door?"
Ay sosyaaaal! English speaking si Manong Guard.
Itinuro niya yung babaeng pumasok sa pintuan ng isang klasrum. Teka, yung babaeng yun ang bumangga sa akin kani-kanina lang ah. Klasmeyt ko siya? Lagot siya sa'kin. Naku!
"Ah ok po. Salamat."
"No problem."
Sige ikaw na manong Inglishero.
Naglakad na ako papunta doon sa klasrum na itinuro niya.
"Okay, Class. Our next lesson is about how important Human Resource Development is. Any ideas on the topic?"
Ay, lagot! Late na ba ako?
Time check, 09:45 am.
Waaaahhh!! Syete! Fifteen minutes na pala akong late. Lagot! Bahala na.
Knock! Knock!
"Good morning, Sir."
"Yes, miss? How can I help you? You see, we are in the middle of discussing here."
Hala ka! Masungit yata ito.
Ano ba yan? Hindi na ba ako lulubayan ng mga ganitong tao? Haist!
"Well, sorry, sir. I'm a new student. And I guess, this is my first subject for today."
Oh! English yan ah?
"Oh, I see. Why are you late? Tsk! Kids these days. They thought they can rule the world." He smirked.
Oo na! Ako na mali. Pero pagpasensyahan naman, bago eh.
Ang sungit talaga!!!
"Okay, you may take your seat. Next time, I don't want you to be late again. Or else I will give you a punishment."
Ay, punishment kaagad!? Di ba pwedeng first offense muna? Ang higpit pala dito.
Yikes! Katakot! Ugh!
Sinunod ko na nga yung utos niya. Humanap na ako ng bakanteng upuan. Nakita kong nagtitinginan yung mga tao sa paligid ko na alam ko makakasama ko buong semester. Oo, sila lang naman ang mga kaklase ko.
"Oh, so you are the newbie here, b***h!" pakinig kong sabi ng isang babae.
Alam ko babae yung ganung kataray magsalita eh.
Napalingon ako sa nagsalita. Ay paktay! Kaklase ko pala yung isa sa tatlong babaeng tili ng tili sa asawa ko!
Ay, may ganun? Tinawag ko siyang asawa?
Hindi ko na lang sila pinansin. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa paghahanap ng upuan. Nakita kong may nakaway sa'kin.
Ay, close kami? Siya yung bumundol sa'kin kanina ah. Kita ko ring tinuturo niya yung bakanteng upuan na katabi nito. Ah, mukha namang mabait yun. Sige, sa kanya na lang ako tatabi. Ngumiti ako habang papalapit sa kanya.
Para naman maging friends kami, kailangan ngitian mo na muna. Mamaya ko na lang siya kokomprontahin. Baka naman may rason siya.
"Hi I'm Kirsten Chiu. And you are?"
"Ellie Rush Alonso."
"Alonso? Are you related to Ichiko Alonso?"
Sikat si ate dito?
"Yes, I'm her sister. I mean, half sister actually."
"Oh, I see. So, ano? Friends na tayo?"
"Yeah sure." Um-oo na lang ako. Basta mamaya, magtutuos pa tayo sa ginawa mo.
Natapos din ang first subject namin.
Grabe mula 09:30am hanggang 12:30pm pala yung klase ko. Magkakasunod na subject. Magka-block yata kami ni Kirsten. Hindi ko pa masyadong nakita yung buong schedule ko ngayong araw na 'to. Pasilip-silip lang din kasi ako sa sched card ko tuwing matatapos ang klase ko. Nakalimutan ko pa namang mag almusal. Aish!
Kruuuuuuuuuuuug
Syete! Gutom na ako. Pati skmura ko nag rereklamo na.
"O, Ellie? Pakinig ko na yang kalam ng sikmura mo. Ano? Tara na mag-lunch?"
Pag yaya sa akin ni Kirsten.
"Sige, tara. Gutom na rin ako eh."
Sa canteen ulit, habang nakapili na ako ng pagkain at nakapila na rin kami ni Kirsten para magbayad, napansin kong wala sa bag ko yung wallet ko.
Paktay! Naiwan ko yata. Yung ipinambayad ko kanina sa taxi talagang inihiwalay ko yun para sa pamasahe at para hindi na ako magbuklat pa ng bag. Sakto lang yung binayad ko.
Paano na ito? Malapit na kami sa cashier. Malas yata ako sa eskwelahang ito.
"Is there any problem Ellie?"
"Ah, medyo? Ano kasi, naiwan ko yata wallet ko sa bahay? Di bale, hindi na lang muna ako kakain. Ikaw na lang ha? Hintayin na lang kita sa table natin."
Akmang bibitawan ko na yung tray ko ng biglang sinabi ni Kirsten na "Don't worry Ellie I'll treat you. Pambawi man lang sa nagawa ko kanina."
"Sure ka? Ganito, utangin ko na lang sayo tapos bukas babayaran kita."
"No. Hindi. Wag na. Libre ko na talaga yan sa'yo. We' re friends now, remember?"
"Pero,"
"Uh-ah, no buts."
"Okay sabi mo eh. Bawi na lang ako next time ah."
Ngumiti lang siya at binayaran na nga yung pagkain. Lumakad na kami papunta sa lamesa.
Pagkaupo ko, napansin ko kagad na may nakatingin sa'kin. Nung tinitigan ko, si mayabang pala.
Naghahand gesture siya na 'come-on' daw. At pagkatapos ay may itinuturo pakaliwa. Sinundan ko ng tingin ang itinuturo niya at nakita ko ang CR.
Bakit kaya? Ano kayang problema nito? Naiihi ba ito at kailangan pa akong isama? Aba naman! Ang laki na niya ha?!
Tiningnan ko lang siya ng masama. Nag hand gesture ulit siya, yung kamao niya bumilog! Ay manununtok? At yung mukha niya, galit.
K! Fine! Lalapit na nga ako.
Nakita ko siyang lumiko. Sinundan ko siya sa bungad ng CR. Buti na lang at walang tao.
"Stupid! You left your wallet. Or did you leave it on purpose?"
Nakita kong may ibinibigay siya sa'kin. Napansin kong ito yung wallet ko at sabay kuha ko dito.
"Well, I really don't need your explanation." Sungit ah!
Mabuti na lang at nadala nito. Teka. Naku! Lagot! Paktay! Eh di alam na niyang narinig ko ang pinag-uusapan nila ni Lolo Greg kanina sa dining area. Malamang tinawag ka ngang stupid eh! Ang engot ko talaga!
"Wow! Salamat ha!" May pagkasarcastic yung pagkakasabi ko.
"Leave. Next time, don't eavesdrop on others business. At sa susunod wag kang eengot engot." Nabasa niya yata ang nasa utak ko ah!
Ang bait! Sarap pektusan nito ah!
"And one more thing, Lolo said not to tell anyone that we are married. If somebody asks why we are always together, tell them you are my personal secretary. That's Lolo's order. Understand?"
Nag-walk out na ito. As if gusto ko rin ipagsigawan na kasal kami ah! Imbyerna!
Bumalik na ako sa table namin ni Kirsten.
"O, saan ka galing Ellie?"
"Ah, nag CR lang. Siya nga pala babayaran na kita, ipinadala kasi ni Lolo yung wallet ko."
Akmang kukuha na ako ng pera sa wallet ko nang-
"No, Ellie. I told you, it's my treat. Really. Ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan eh. Kaya hayaan mo na lang."
"Okay."
Ang bait pala naman nito. Sige, kakalimutan ko na lang nangyari kanina.
Tapos na kaming kumain at patayo na sana kami nang biglang-
"Hey, b***h! What did I tell you yesterday? Di ba I told you to stay away from my Prince?"
"Bakit? Ano na naman bang ginawa ko? Nananahimik yung tao eh."
"I saw you talking to him lang naman. At ikaw pa itong may ganang lumapit sa kanya ah! Ang landi mo talaga!"
Ay, ang kapal naman ng mukha nito! Aish! Buti na lang tapos na akong kumain.
"Well, sorry, I don't know what you're talking about!" Kumukulo na talaga ang dugo ko sa isang ito! Akala naman niya pag-aari na niya si Prince!
So, nakita pala niya yung kanina. Aba at talagang nakamanman siya dito? Ano siya CCTV? Wow ah! Walking CCTV?
Nag walk out na ako. Imbyerna talaga eh! Inaano ko ba sila!?
Kasunod kong nag-lalakad si Kirsten.
"Sino ba yung mataray na yun?"
"Ah, si Margaux. Daughter of Mr. Nakamura. Owner ng Nakamura Shipping Company. Spoiled brat yun eh. Nag-iisang anak kasi."
"Eh yung dalawa niyang alipores, sinu-sino sila?"
"Yung isang babae, si Celestine, anak naman ni Mr. Sy, Owner ng Shuan Sy Food Corporation."
"Eh yung isa? Babae ba yun o bakla?"
"Ah, siya? Si LJ a.k.a Lawrence John. Yes, he's a gay. Well, he's the son of Miss Arabella Herrera. The founder of Herrera's Fashion House."
Oh my! Mga anak pala ito ng mga bigtime! Kaya pala mga matataray eh.
Nagtandem-tandem sila. Wala sigurong magawa sa buhay buhay nila. Tsk!
Bumalik na kami sa room. Naku! Siguradong makikita ko na naman yung tatlong brats! What a day!
~***~
Pagkatapos ng klase, sumabay sa akin sa paglalakad si Kirsten.
"So, ilang taon ka na, Ellie?"
"Seventeen. Ikaw ba?"
"Eighteen. Hahaha. Meimei pala kita eh."
Ano daw? Meimei?
"Little sister yun sa Chinese. " Nakangiti niyang pagpapaliwanag sa akin.
"Ang cute naman."
"From now on I'll call you Meimei, okay?"
"Sige." At last! May magiging mabait na ate na ako!!!
Bigla nya iniabot sa akin ang kamay nya?
Huh? Anong gagawin ko sa kamay niya?
"Your phone."
Ah, cellphone pala. Ibinigay ko sa kanya yung medyo basag na Samsung Galaxy Y kong phone. Tapos yun nagtatatype na sya at ibinigay nya uli sa'kin.
"So, where do you live?"
"Ha? uh...eh...." Ibinulsa ko yung phone ko.
"Sabay ka na sa'kin kung wala ka na ibang pupuntahan."
"Ano kasi...."
Hala ka!!!! Pano ko 'to lulusutan?!
"Meimei, are you okay? You're turning pale."
Napatingin ako dun sa may papuntang parking lot. May CR nga pala dun.
"Uh, ate Tin, C.R Lang ako saglit ha? Hintayin mo na lang ako. Biglang sumakit tiyan ko."
"Sure."
Kumaripas na ako ng takbo. Nagkunyari na akong pumasok sa girl's CR. Tapos nung tumalikod sya tumakbo ako dun sa kaliwa daan papuntang parking lot.
"E-" Magsasalita sana si mayabang nang makasakay na ako sa kotse.
Hindi ko na lang siya pinansin kasi gusto ko na umalis. Baka makita pa ako nun. Naku! Huli kami!
"Pumasok ka na. Bilis!" Sumilip ako sa bintana at sinagawan sya. Yes. Sinigawan ko talaga.
"Psh. What's your problem now, umboy? Weird." Sumakay na rin sya at umaandar na ang sasakyan.
Pa'no kaya siya? Aha! Itetext ko na lang sya. Kunyari, sinundo ako ng lolo ko.
Bahala na lang bukas kapag nagtanong siya.