ARTICLE 2 - SECTION 2

1568 Words
"This is my dear daughter, Rebekah Claire. Pride ko ito! She passed the CPA Licensure Examination, Top 1! Hindi lang iyon, she even passed the bar two years ago, at Top 3 pa siya!" Ngumiti naman ako sa mga kausap ni Daddy. "You're so smart and pretty, hija. I think you'll hit it off with my son." Ani ng isang business partner ni dad. Tinawanan ko naman iyon at magalang na tinanggihan. "Dad." Sabay sabay kaming napalingon kay Fryje ng tawagin niya si Daddy. "Heto naman ang panganay ko, Fryje say hi to them." Ani ni Dad sa kanya. Agad naman niya iyong sinunod. "Another achiever ba ito, Kiko?" Tanong ng isa na tinawanan lang ni Daddy. Nakita ko ang pag-dilim ng mukha ng kapatid ko ng muling ilipat ni Dad ang usapan tungkol sakin at sa achievements ko. Maya maya lang ay bumaling sakin ang madilim nitong mga titig at tinaasan ako ng kilay. Maldita! Mana sa nanay! Inismiran ko lang siya at muling ibinalik ang atensyon sa mga pinapakilala ni Dad sakin. Anak ako ni Dad sa kabit niya. But unlike any other illegitimate children, ako ang paborito niya. Not because he loved my mother more than his legal wife, Fryje's mother but because I am a trophy daughter. I excel in everything I do. Sinisiguro ko iyon. I always give my hundred percent effort in every matters I handle. I needed to, yun lang ang pinanghahawakan ko. My mother is a gold digger, tanggap ko yun at pati nga ako na anak ay hinuhuthutan pa. So I was striving harder, to gain my father's affection and to keep myself on top. Matapobre si Fryje at si Tita Arlene, tatapak-tapakan lang ako ng mag-inang iyon kung nagkataong mahina ako. "Dad, dumating na po sina Forbes, puntahan ko lang po muna." Paalam ko kay Dad at agad naman siyang pumayag ng banggitin ko na ang pangalan ng kaibigan ko. Dad loves my set of friends so much. And again, not because good influence sila sakin but because these people are from high profile backgrounds, nangunguna na doon sina Forbes at Achi. "Forbes," bati ko at humalik sa pisngi niya habang nakatingin pa si Dad. "Ang user talaga nito!" Pang-aasar ni JD sakin ng makita ang ginawa ko. Inirapan ko siya at muling binalingan si Forbes na nailing nalang sa kalokohan ng kaibigan namin. Sanay na sila na ganoon ako. My father eyes Forbes as his son-in-law. Pero neknek niya, hindi kami talo nito. "Nasan si Achi?" Tanong ko bago tumusok ng steak mula sa pinggan ni EJ at sinubo iyon. "He's on his way, dinaanan niya pa sa ospital si Febe." Paliwanag ni Forbes sakin at inabutan ako ng tissue. "Thanks." Sagot ko sakanya at pasimpleng inobserbahan ang reaksiyon niya. Okay, Achi and Febe's still safe. "Ano nga ulit 'to Arci? Auction for what?" Litong tanong ni JD habang nakatingin sa stage kung saan sunod sunod na ipinasok ang mga boring na paintings. "Paintings daw ni Fryje." Sagot ko at kinuha naman ang brownies mula sa pinggan ni EJ na agad na nag-reklamo. "Akin yan, Arci! Ang takaw talaga nito! Party niyo 'to, kumuha ka dun ng pagkain mo!" Reklamo nito pero natawa na lang ako ng hatiin niya sa gitna ang isang brownies at inilagay sa bandang kinukuhaan ko ang kabilang piraso. "Ang sweet naman ni EJ ko." Pacute kong asar sa kanya. Inirapan niya lang ako at nagsubo muli ng brownies niya. Kinuha ko naman ang parteng hinanda niya para sakin at kinain iyon. "The Grudging Lady, let's start with one hundred fifty thousand." Nabilaukan ako ng marinig ang price ng painting ni Fryje na nasa gitna ng stage ngayon. Agad naman akong inabutan ni Forbes ng tubig at marahang hinagod ang likod ko. "Dahan dahan lang kasi, di ka naman aagawan ng pagkain." Sinamaan ko ng tingin si EJ ng marinig ko ang sinabi niya. "What? That was a hundred-fifty thousand? Arci, we're friends but I'm not gonna waste my money on that." Bulong ni JD sakin na tinawanan ko naman. "Wag kang mag-alala kahit ako walang balak bilhin yan." Bulong ko pabalik sakanya habang nakatingin sa painting na parang tinapunan lang ng pintura. I know how to appreciate art, like what I've said, magaling ako sa halos lahat ng bagay and that includes painting and drawing. And I absolutely, without a doubt knew that, that painting is not an art. Halos bumunghalit sa tawa si EJ ng manatiling tahimik ang buong hall kahit na nag-umpisa na ang auction. Nobody wants to buy Fryje's works. Gusto ko sanang maawa kaya lang, wag na lang pala. Karma niya yan, feeling magaling kasi palagi. My eyes flew to where my father was seated, he was positioned between Fryje and Tita Arlene. His face was so dark and kita ko sa pagbuka ng bibig niya na pinapagalitan niya si Fryje. Walang nagawa ang host kundi magproceed sa next painting. Unlike earlier, this one's a little better. At mayroon ding iilang taong nagtagisan ng yaman para bilhin iyon. "Hi Ate Arci! Sorry we're late." Nginitian ko si Febe na kararating lang at tumayo upang makipag-beso sa kanya. "It's alright, it just started anyway." Abala kami sa pag-uusap ng biglang magawi ang tingin ko sa last piece na nasa stage. What the hell?! "Arci, diba--" hindi ko na narinig ang sunod na sinabi ni JD dahil nakatuon na ang tingin ko sa painting na nasa gitna ng stage. "The Pearl born as a Stone,this would be the last piece for tonight's auction. We'll start with five hundred thousand pesos." Rinig ko ang pag-uunahan ng mga negosyante at mga art enthusiast na mabili ang nasabing artwork. But here I am, fuming mad. That is my work! Ayoko sa lahat yung inaangkin yung mga ginagawa ko. Ang bruhang yun! Makikita niya! "Arci, where are you going?" Pigil ni Forbes sakin. "Gonna teach some thief a lesson that stealing is bad." Ani ko bago ako naglakad palapit sa pwesto nina Daddy. Malayo palang ay ihinanda ko na ang sarili ko para sa gagawin ko. Nakita ko ang matagumpay na ngiti na nakaplastar sa labi nilang tatlo habang papalapit ako. Tingnan natin kung makangiti pa kayo. "D-daddy," tawag ko sa atensyon ni Daddy na agad namang tumayo at nag-aalalang lumapit sakin ng marinig ang pag-hikbi ko. "Arci! What happened? Bakit ka umiiyak?" Dad asked worriedly. Sadya kong tinitigan ng matagal si Fryje bago ibinalik ang tingin kay Daddy. Nakita niya ang ginawa ko kaya madilim ang mukhang hinarap si Fryje. "Ano nanamang ginawa mo sa kapatid mo, Fryje?!" Galit na tanong ni Daddy habang nakayapos ako sa kanya. Nakaka-agaw na kami ng pansin, but that was my main objective. She had the guts to steal my works? Tingnan natin hanggang saan ang tapang mo. "Kiko! Bakit mo pinagbibintangan ang anak mo?!" Agad na tanggol ni Tita Arlene kay Fryje. Pero hindi iyon pinansin ni Daddy. "Ano yun, Arci? Anong ginawa ng ate mo?" Malambing na tanong ni Dad sakin. Muli kong ibinalik ang tingin sa mag-inang galit na nakatingin sakin bago nagkunwaring nag-aalangang magsalita. "Arci, ano yun?" "Dad, kasi..." Inilibot ko ang tingin sa paligid at halos lahat ay nakatingin na samin. "Hmmm?" Tanong ni dad sa pasensyosong boses. "Kiko, that b***h is---" "Tumahimik ka Arlene! Ayusin mo ang salita mo, anak ko ang pinag-uusapan dito!" Putol ni Dad sa sasabihin ni Tita Arlene. Mas nilakasan ko ang hikbi ko at siniguro kong mas nakaka-awa. Thanks for my mom who works as an actress. Namana ko ata ang talent niya. Muli akong binalingan ni Daddy at tinanong kung anong problema. "Dad, kasi po, yung last artwork po. Hindi po yun gawa ni Ate, gawa ko po yun. Ginamit niya po ng hindi nagsasabi." Umiiyak kong sumbong kay Daddy. Galit na humarap si Daddy kay Fryje ng marinig ang sinabi ko. "That's not true, Dad!" Agad na tanggi niya. "Kiko! Wag ka ngang nagpapaniwala diyan!" Dagdag pa ni Tita Arlene. "Tita, totoo po. I can show you! My initial ko po yung painting!" I was crying while I was talking to Tita Arlene. "Sinungaling ka!" Sigaw ni Tita Arlene at akmang susugurin ako ng agad siyang pigilin ni Daddy. "Arlene! Tumigil ka! Nakakahiya kayo!" Sigaw ni Dad sa kanya. Ang buong hall ngayon ay nakatuon na ang atensyon sa amin. Lihim akong napangiti dahil doon. Showtime! "Ibaba yung painting na yan dito!" Utos ni Dad sa mga tauhan niya na agad namang sumunod. Muli niyang hinarap ang dalawa and gave them warning gazes. "Pag nalaman kong ninakaw mo talaga ang gawa ng kapatid mo, humanda ka sakin." Nakita kong namutla ang mukha ni Fryje ng marinig ang sinabi ni Daddy. That's right, girl. Matakot ka. Nang maibaba na ang painting ay sinabihan na'ko ni dad na ituro ang sinasabi kong initial ko. Lumapit ako sa painting. A Pearl born as a Stone. This is one of my earliest works, tinitigan ko ng matagal ang kumikinang na perlas sa gitna ng batuhan. This is me. I was the pearl. Alam kong limitado ang karapatan ko sa pamilya ng mga Alarcon sa ngayon, pero sisiguraduhin kong mag-iiba iyon. Kinapa ko ang paligid ng perlas at napangiti ng makita roon ang hinahanap. ARCI 2015 Nang makita iyon ni Dad ay isang malakas na tunog ng pagsampal ang umalingawngaw sa buong hall. "You're a big disappointment." Mariing saad ni Daddy kay Fryje na ngayon ay nasa sahig na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD