Third person's (POV) “Miss, nagawa ko na ang pinapagawa mo sa akin. Pinayagan ko na makapasok ang mga tauhan mo para magtanim ng bomba sa mall. Nasa iyo na din si Mr. Dimagiba. Sana ang pangako mo sa akin huwag mong kakalimutan. Isang buwan na lang.” “Bakit ba ang kulit mo?. Pinangako ko na yun, tutuparin ko ang binitawan kong salita, hayaan mo muna ako mag enjoy kasama ang pinakamamahal ko na lalaki.” “Tut—.” Sabay dial tone na lang ang narinig ko dahil pinatayan na ako ng tawag. Gusto kong ihagis ang cellphone na aking hawak dahil nabastos ako sa totoo lang. Kung hindi lang sana ako nalulong sa mga babae hindi sana mangyayari itong lahat sa akin. Anong ipapaliwanag ko sa aking pamilya kapag nalaman nila na wala na kami kahit singko na duling sa bangko?. Nasapo ko ang aking ulo at k

