Hendrix Dimagiba (POV) Halos dalawang linggo na ang mabilis na lumipas. Inalis na ang simento sa aking isang paa. Hanggang ngayon nakaupo pa rin ako sa wheelchair dahil nga nagpapanggap ako na masakit pa rin at wala akong gana sa ibang bagay. Pero kapag ako lang mag-isa dito sa bahay ay nagsasarado ako at nagsasanay ihakbang ang aking paa. “Ex, halika sa tabing-dagat tayo magpa-init.” “Sige, pero wag sobrang tagal ha. Dahil baka sumakit na naman ang aking ulo.” Tumango ang babae sa akin na pinaka titigan ko. Naghubad ito ng damit at tumakbo patungo sa dagat para lumangoy. “Ang ganda ng asawa mo. Mukhang matalino pa.” Napaharap ako sa lalaking nagsalita sa aking tabi. Tinitigan ko ito mula ulo hanggang paa. Mukhang matino naman ito, mukhang manggagawa o magbubukid dahil sa suot

