Hendrix Dimagiba (POV) Masakit ang aking katawan na nagising. Pagtingin ko sa aking paa ay may semento ito. Nagtataka ako kung nasaan ba akong lugar ipinikit ko ang aking mga mata at kinalma ang aking isip. Nakakarinig ako ng tunog ng dagat at may kainitan na hangin. Mukhang napapaligiran kami ng tubig. Kung bundok ito ay dapat malamig ang simoy ng hangin. Napalingon ako sa pintuan ng biglang may babae na nakabandana. Nag-init ang aking ulo ng makita ang mukha nito. “Hi Ex, kamusta ang tulog?.” “Nasaan ba ako Glenda?. Ang anak natin na si Cassandra baka kung ano'ng mangyari doon, walang kasama sa bahay. Sanggol pa yun baka malaglag sa kama.” Nangunot ang noo ng babae sa sinabi ko pero ilang minuto rin ay ngumiti ito ng tago. “Okay lang huwag ka mag-alala dahil nandoon si Isagani fo

