“Pumunta ka dito ngayon sa De Amor hotel. Ngayon na tayo ikakasal.” Naihagis ko ang aking cellphone! Kagigising ko pa lang at kung tama ang pagkakabilang ko ay tatlong araw pa lang ang nakalipas mula ipaayos ko ang lahat sa lalaki. Mabilis akong tumayo at parang ewan na naligo ako na wala sa sarili. Hanggang sa nag-ayos ako ng aking mukha. Sinuot ko ang puting dress na ginamit ko ng kumpil ko ng elementarya. Nakakatawa kasi ito lang ang puti ko na dress at talagang kasya pa sa akin, yun lang nga at maikli na ito na abot na lang sa taas ng tuhod ko at pumuputok na ang dibdib ko. Overall maganda pa naman siya. Kinuha ko ang larawan ni daddy na nakapatong sa aking lamesa. Hinaplos ko ito at ngumiti. “Daddy, ikakasal na ako. Sana huwag kang magalit sa akin ha? Gagawin ko to kasi mahal na m

