LUMIPAS ang mga araw at maayos naman ang pagbubuntis ni Aggie, dahil ito tulad noong una niyang pagbubuntis na hindi maayos ang kapit. Dalawang gabi ang nagdaan ay nagiging balisa si Aggie at laging mainit ang pakiramdam niya sa katawan. Ngunit iniisip na lamang niya ito ay dahil sa kanyang pagdadalang-tao. Madaling araw at nasa mahimbing sila nang tulog nang mag-ring ang phone ni Aggie, at dahil sa paulit-ulit nitong pagtunog ay parehong nagising ang mag-asawa. Bumangon si Thumbler at kinuha ang phone ng asawa niya mula sa table, at kanya itong inabot. "Si Papa ang tumawag," aniya. "Huh! Bakit kaya ang aga niyang tumawag?" Napabalikwas siya nang bangon at biglang kinabahan sapagkat ito pa ang kauna-unahang beses na tumawag ang ama niya nang ganoong oras. "Hello, Papa?" sambit agad

