HANGGANG sa natapos na silang kumain at agad pumasok si Aggie sa kuwarto na walang kibo sa asawa niya. Hindi rin agad pumasok sa room si Thumbler at dumiretso sila sa sala kasama ang ama niya at ang biyenan lalaki, umiinom sila doon ng konting alak. Samantalang sa loob ng kuwarto ay tinulungan si Aggie ng dalawang private caregiver at binihisan nila ang mga sanggol. Nang matapos ay pinalabas na ni Aggie ang dalawa, sinabihan niya ito na magpahinga na sila. "Good night, ma'am!" pahayag ng dalawa. "Good night!" tugon naman niya. Nang makalabas ang dalawa ay agad naman na ni-lock ni Aggie ang pinto. Wala siyang pakialam kung magalit si Thumbler sa kanya. Hindi hahayaan na apak-apakan lang siya ng asawa niya o ipakita rito na okay lang na pakitaan siya ng hindi tama. "Alam ko sa sari

