SAMANTALA, tumawag ang tauhan ni Claudia, at kasalukuyan siyang nag-dinner na mag-isa. "Yes, Gabriel?" tanong agad niya sa kabilang linya. Nakabili na ako ng bangkay ng babae, ma'am." "That's good! gagawin na natin ang plano. Magkita tayo at i-text ko na lang ang location. Tamang-tama ngayon dahil gabi at walang makakakita sa ating gagawing plano," pahayag niya. Hindi tinapos ni Claudia ang dinner niya at nagmamadali siyang bumaba ng condo unit niya. Sa tuwing hindi sila magkita ni Thumbler ay umuwi siya sa kanyang totoong condo. Subalit kung may lakad sila o may kailangan siya sa lalaki ay doon siya umuwi sa condo ni Lovely. At simula bukas ay tuluyan na siyang lilipat sa condo ni Lovely. Kaya lahat ng mga importanteng gamit niya ay inihanda na niya para diretso na siya doon pagkat

