Kabanata 14

1919 Words

NAKUSOT KO ang aking mga mata ng tumama roon ang sikat ng araw. Uminat ako at nagmulat ng tuluyan nang mapagtantong umaga na. Nanliliit pa ang mga mata ko pero kapagkuwa'y ngumiti ako ng masilayan ang sarili kong silid. Mas masarap pa rin ang naging tulog ko kahit wala ako sa malambot at malaking kama. Napagtanto kong wala nang mas hihigit pa sa himbing ng tulog ko kapag narito ako, kapag malapit ako sa pamilya ko. Nanatili ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ang walang pagbabagong silid namin ni Melanie. Naroon pa rin ang ilang mga larawan, maliit na table, at dalawang cabinet. Hindi magara pero mas komportable ako sa silid na ito. "Nandito na ang sundo mo." Nawala ang ngiti ko nang marinig ang sinabi ni Mama. Napakunot noo ako. Sundo ko? Ibig bang sabihin pinasundo ako ni Dony

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD