Kabanata 24 (Part 1)

1069 Words

Mara's POV KANINA PANG walang mapagsidlan ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat at hindi ko dapat iaakto sa event na iyon, ni hindi pa nga ako nakaka-attend sa ganito kagarang party. 'Tapos parang kinakati pa ako sa suot ko ngayon. Nakakabaliw! Hindi kasi ako sanay na magsuot ng mga ganitong uri ng damit, pang-bahay lang ang bagay sa akin. Idagdag pa ang high heels na suot ko, parang matatapilok ako sa taas nito. Nararamdaman ko na rin ang pananakit ng paa ko kahit saglit ko pa lang naman iyong suot. Pero aminin ko man o hindi, maging ako ay nagulat sa naging hitsura ko nang ayusan ako ni Tita Glue. Hindi ko nga makilala ang sarili ko at napatanong kung ako pa ba iyon? Hindi naman kasi talaga ako gumagamit ng make up, tamang pulbo at konting lipstick lang ay okay n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD