Kabanata 28

1404 Words

Mara's POV "NASAAN NA kaya 'yong lalaking 'yon?" bulong ko habang palinga-linga. Kanina ko pang tinatanaw ang gate mula sa terrace para makita kung dumating na ba siya o hindi pa. Bakit kasi bigla na lang umalis 'yong Kevyn na 'yon. Natapos ko na't lahat ng mga gawain ko wala pa rin siya. Wala tuloy maingay. Nakakapanibago. Si Nicko naman may pinuntahan. Hanggang ngayon nga hindi pa rin ako makapaniwala na si Nicko pala ang pinsan ni Kevyn. Iniisip ko pa lang na magkasama sila sa iisang bahay, nababaliw na ako. Alam ko kasing galit si Kevyn sa pinsan niya dahil sa alitan nila noon pa man. Hindi ko naman makita ang dahilan para magalit si Kevyn sa binata dahil mukha naman itong mabait. Muli akong tumingin sa gate at bigo pa rin ako sa inaasahan kong makikita ko si Kevyn papasok ng mansy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD