Kimie's 18th birthday
Maaga na akong gumising at naligo. May text na agad ang kaibigan ko at napangiti ako dahil susunduin na lang daw nila ako sa hapon sa sementeryo. Kasama sina Kuya Rowan at ang kambal niyang si Jansen Di.
Pagkabihis ko ay lumabas na ako sa aking kwarto. Napahinga ako ng malalim dahil wala man lang bumati sa akin na kamag-anak. Naiintindiha ko sa part ni Daddy dahil nag-iisa siyang anak at wala na rin sina Lolo at lola pero sa side ni Mommy ay may tatlo siyang kapatid.
Pagbaba ko ay amoy ko na ang aking baon papunta sa sementeryo.
"Happy birthday anak." Bati sa akin ni Yaya at niyakap niya ako ng mahigpit. She got a teary eye, ngumiti lang ako para iparating na I am okay.
Kumain na muna ako ng agahan at habang kumakain ako ay nilalagay na ni Yaya ang aking mga baon sa box na de gulong ay hihilain ko nalang.
"Samahan nalang kaya kita?" Tanong ni Yaya.
"Yaya, moment namin ito ng aking mga magulang."
"Oo pero huwag kang magpagabi kung wala ka pa ng Alas sais ng hapon ay susunduin na kita."
"Yaya, ulyanin na kayo. Hindi ba I treat nila ako sa aking kaarawan sa isang buffet?"
"Ay oo nga pala, sandali bawasa ko ang aking nilagay na baon mo." Sabi ni Yaya pero mabilis akong tumayo at hinila ang box.
"Sige Yaya aalis na ako." Paalam ko.
"Ihatid na kita sa labas, ikaw talaga na bata ka. Pang-anim na katao ang pagkain na inilagay ko sa box mo. Kailan mo kaya maisipan na mag papaya. Kapag kasama mo na ang kaibigan mo ay tumawag ka agad para hindi ako mag-alala." Paalala ni Yaya at inakbayan ko siya habang hila ko ang aking mga baon.
Pumara na siya ng tricycle, pagkatapos ay nauna kong isinakay ang aking box sa loob bago ako sumakay para sure na hindi ko makalimutan. Habang umaandar ang tricycle ay sinilip ko ang mga inilagay ni Yaya. Maraming tubig at cup cakes ang aking dessert na may letra ang bawat isa ng happy birthday Kim. Napangiti ako dahil puno ang isang lunch box ng kanin at tatlong putahe ang niluto ni Yaya. Isinarado ko na ulit ang box, ang mga kandila naman ay nasa aking bag pack. Laging may kandila ang bag ko dahil kapag na mi miss ko ang aking mga magulang ay dumeretso ako sa sementeryo after school at sinusundo nalang ako ni Yaya.
Nakarating na ako sa sementeryo at mabilis na ibinaba ang aking box pagkatapos ay nagbayad na ako.
Huminga ako ng malalim ng umalis na ang tricycle. Hinila ko na ang aking baunan at lumakad na patungo sa nitso ng aking mga magulang.
Pagdating ko ay tumulo agad ang aking luha.
"Mom, Dad nandito na ang baby ninyo. Pwede na akong mag boyfriend dahil sabi ni Daddy noon na pwede na akong mag paligaw pag 18 na ako. Kaya lang Mommy Daddy wala naman nanliligaw. Napabayaan kasi ako sa kusina pero hindi bale maganda naman ako dahil mana ako sa inyo." Sambit ko na pinunasan ang aking luha at umupo mismo sa kanilang nitso.
Sobrang sakit dahil kahit abo nila ay hindi namin nakuha. Tupok na tupok ang building at naging abo agad. Mabilis man na narespond ang mga bombero pero mabilis na kumalat ang apoy. Kaya ang nasa loob ng nitso ay kanilang mga gamit at larawan.
Nang nakapagpahinga na ako ay nagsindi na ako ng mga kandila. Napangiti ako dahil may hangin na parang yumakap sa akin. Alam ko na kahit wala na ang aking mga magulang ay nasa tabi ko lang sila lagi specially my Dad na napaka protective sa amin ni Mommy.
Maganda ang pwesto ng nitso ng aking mga magulang may punong kahoy kaya hindi masyadong mainit. Nilapag ko na ang aking picnic blanket. Umupo na ako at humarap sa nitso ng aking mga magulang.
Kinausap ko sila at inilabas ang mga sakit na nararamdaman ko.
"Mommy, Daddy ang hirap palang mag-isa sana nagkaroon ako ng baby brother o sister para may kasama ako ngayon. For now on hindi na ako iiyak. Big girl na ako dahil soon ako na ang magluluto ng sarili kong pagkain. I will be a good chef Daddy para maging kasing galing ko si Mommy at Yaya na magluto. Sayang nga lang at hindi ninyo matitikman ang lulutuin ko but I promise na ang recipe na lulutuin ko ay dadalhin ko dito."
Sa pakikipag-usap ko sa aking nga magulang ay gumaan ang aking pakiramdam.
Nakaramdam na ako ng gutom at sinimulan na lantakan ang dala kong baon. Napangiti ako dahil paborito namin ng mga magulang ko ang niluto ni Yaya. Minsan ay nahihiya na ako sa kanya dahil mula namatay ang aking mga magulang ay hindi na siya humihingi ng sahod. Minsan ay ipinipilit ko pero ayaw niyang tanggapin dahil itinuring na niya akong bilang anak.
Hindi man kami mayaman pero kumuha si Daddy ng yaya ko para mapagaan si Mommy sa bahay. May isang taga linis pa kami noon na pumupunta 3 times a week. My Dad treated my mom a queen in our simple house. Because my mom is a real queen dahil nanalo siya na miss universe noon. Ang akala ng mga kapatid daw ni Mommy ay ang mayaman na manliligaw niya ang kanyang sasagutin pero ang Daddy ko ang kanyang sinagot na isang army noon.
Kaya galit ang pamilya ni Mommy kay Daddy kahit wala na siya at mas lalong tumindi ang kanilang galit dahil pati si Mommy ay wala na rin. Napahinga ako ng malalim dahil sa akin nila binuntun ang kanilang galit at gusto pa nilang kunin ang naiwan sa akin ng aking mga magulang.
Pagkatapos kong kumain ay inaantok na naman ako kaya kinuha ko ang aking bag at ginawang unan. Humiga na ako at tuluyan nang nakatulog.
Nagising ako sa lakas ng tunog ng aking telepono. Nang buksan ko ay si Jo. Malapit na daw sila sa sementeryo at kailangan na nasa harapan na ako.
Iniligpit ko na ang aking mga gamit at nagpa-alam na sa aking mga magulang. Pinaalala ko sa kanila na malapit na ang aking graduation. Napasalubong ang aking kilay dahil may bulaklak wala naman ito kanina. Kinuha ko ito at binasa. "Happy birthday" lang ang nakalagay. Napatingin ako sa paligid at kinilabutan na ako.
Paano kung masama ang tao na iyon at habang tulog ako ay ginahasa ako. Iniwan ko ang bulaklak at mabilis na umalis.
Hingal akong nakalabas sa sementeryo at siya namang pagdating ng sasakyan ni Jansen.
"Happy birthday Kimie!" Sigaw ng aking kaibigan na inilabas pa ang ulo sa bintana. Napangiti nalang ako.
Bumaba naman si Kuya Rowan para ilagay sa compartment ang aking mga gamit pagkatapos ay binati niya din ako.
Si Jansen ay Seryosong bumati lang kahit kailan ang tao na ito laging nakasimangot. Naalala ko si Yaya kaya agad akong nagpadala ng mensahe na kasama ko na ang aking kaibigan.
Sa isang Korean buffet kami dumeretso at nagulat ako dahil dumating din si Jasper Di at ang Tito Rafael niya na may bulaklak.
"Happy 18th birthday my hot bum." Sabi niya at tinukso kami tuloy ni Jo.
Tinanggap ko ang bulaklak at nagpasalamat. Sanay na ako sa mabulaklak na dila ni Rafael kung mahulog ako kanya ay mapabilang na ako sa mga dakilang tanga niyang nabola na mga babae.
Iniwan ko sasakyan ang bulaklak at excited kaming magkaibigan na kumain.
"Sulit na naman sina Ate at malas ng restaurant na ito." Biglang sambit ni Jasper Di at binatukan siya ni Jo kaya kami ay nagtawanan dahil tama nga naman siya kaya naming kumain ni Jo ng x6 o x8 kung gutom na gutom kami.
Higit sa lahat ay target namin lagi ni Jo ang mga mahal na pagkain. Kaya ang tips ay sa buffet nalang kami laging dalhin dahil tipid pero busog.